SIX: Affected much?

124 3 0
                                    

"Anong wala? Eh kay Nico yan!"

Napatigil ako literal. Yung bracelet? Kay Nico?! P-pero p-paano? R yung nasa initials diba? Don't tell me... aish! Ang stupid mo Yuri! Diba ang buong name ni Nico ay Nicolo Rance Monteneal?!

T__T

Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Ang hirap huminga. Ang hirap gumalaw. Ang hirap magisip. Siya ba talaga? Siya ba talaga yung secret admirer ni Kahi? Pero ano yung sa auditorium kanina? Ano yung pagsabay niya sakin sa piano at paghawak niya sa kamay ko? Hindi ba totoo yung nangyari kanina?

Kanina lang ang saya saya ko pero ngayon parang nawala bigla lahat. Bakit ako nasasaktan? Kung tutuusin diba dapat wala naman akong maramdaman kasi hindi naman kami ni Nico. Crush ko lang naman siya. Pero si Kahi ang gusto niya. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa school at napunta dito sa kwarto ko. Lutang kasi ako simula nung malaman ko na si Nico yung may ari ng bracelet.

*Kahi calling*

Napatingin ako sa phone ko. Sasagutin ko ba? Sasabihin ko ba na si Nico yung admirer niya? Kaya ko ba?

"hello Kahi. I'm sorry. May emergency lang na nangyari. I'll call you back. Bye." Derederetso yung pagkakasabi ko. Hindi ko na siya binigyan ng chance na magsalita.

Naguguluhan ako. Nasasaktan. Nalilito. Out of all people, bakit si Nico pa? At bakit si Kahi pa yung nagustuhan niya? Bakit yung bestfriend ko pa? Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Ang OA ko. Hindi naman kami ni Nico ni hindi ko nga alam kung may gusto din siya sakin pero obviously naman wala, kasi si Kahi nga yung gusto niya pero bakit ako nasasaktan?

Mahirap malaman na yung taong gusto mo may gustong iba. Pero masakit pala pag yung taong gusto pala niya eh bestfriend mo pa.

"Pito pito! Are you awake?" bumalik ako sa wisyo ko nung narinig kong kumatok si Kuya Axel. Akala ko hindi na niya ako tatawaging pito pito kasi bata pa naman kami nung tinatawag niya akong ganun.

Dahil kasi sa Seven kaya pito pito. Pangit pakinggan pero sanay na ako tutal si kuya lang naman ang tumtawag sakin nyan.

Binuksan ko agad yung pinto at pumasok na si Kuya. Hindi ko sya pinansin at dumapa na lang ako sa kama ko. Ganyan kasi yan minsan gusto lang magbabad sa kwarto ko ng hindi ako pinapakeelamanan. Ewan ko ba kung anong meron sa kwarto ko na wala sa kwarto niya.

Umupo siya sa sofa then binuksan yung tv. May tv din naman siya sa kwarto niya pero dumadayo pa dito. Psh! Skwater!

"Ui pito pito!"

Tinignan ko lang siya ng masama. Wag siyang magulo nagsesenti ako dito.

Umupo siya sa paanan ko. Tapos tapos...

"Ahhhh!!! Oppa! Tama na! Hahahahah!" hawak niya yung dalawang paa ko tapos kinikiliti niya! "Nakikiliti ako!!!!"

"Bakit ang taray mo ngayon ha?" hindi padin siya tumitigil.

"Ano ba Oppa! Hahaha! Tama na! Nakikiliti na ako!" mangiyak ngiyak na ako sa tawa pero hindi padin ako tinatantanan ni Kuya.

"Bakit ka muna malungkot ha? Ha?"

"Oppa! Hindi na ako makahinga promise!" syempre para complete acting nagubu-ubuhan ako para kapanipaniwala na hindi na ako makahinga.

"Ui Seven, ok ka lang ha?" biglang tigil eh. Tinayo niya ako para makita kung ok lang ako. "Ui. Ano, gusto mo ba ng tubig?" epic yung mukha niya. Takot na takot! Wahahah!

"Joke! Hahaha!"

"Yah! Nuchugule?!" (you want to die?!) hindi padin pala nakakalimutan magkorean ni Kuya. Ang tagal na kasi namin hindi nakakabalik dun eh. Bata pa kami nung nag migrate kami dito sa Pilipinas.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon