EIGHT: The Jerk Theory

109 4 0
                                    

KAHI's POV

Hindi ko alam kung bakit feeling ko iniiwasan ako ni Yuri. Halos buong araw ko kasi siya niyaya pero lagi siyang tumatanggi.

Tapos buong weekend hindi kami nagkita. Hindi pa siya sumabay sakin maglunch kanina.

Nagaalala ako sakanya. Ngayon lang kasi nagkaganyan si Yuri. Sanay kasi ako na sinasabi niya sakin lahat ng problema niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya nung wala ako dahil pinauwi agad ako ni mommy kasi dumating yung tita ko from Korea.

Hindi kaya pinagbubully siya nung mga umaastang mean girls dito? Saglit lang ako nawala gusto na nilang agawin ang korona ko. Pero alam ko naman na hindi magpapatalo si Yuri sakanila!

Pakiramdam ko talaga may nangyari sakanya nun eh. At kung ano man yung nangyari kahapon for sure yun yung dahilan kung bakit nagkakaganyan siya ngayon.

Gusto ko sana siyang kausapin nung nakasabay ko siya sa locker area kanina kasi nakatanggap ulit ako ng letter dun sa secret admirer ko pero sabi niya gagawa pa daw siya ng assignments niya.

Like hello?! Dun palang alam ko na, na may problema siya. Never naman yun gumawa ng homework eh.

"Ui!Alam niyo ba na yung panget na nerd kasama nanaman daw ni Nico nung isang araw?"

"Oo nga!Sabi pa nila magkaholding hands pa daw pumasok sa room!"

"Yuck! Kadiri! Naku! Dapat nagalcohol si Nico!"

"Masyadong social climber pati yang nerd na yan. Kinakaibigan ba naman si Kahi. Like ew? Mukha naman siyang alalay eh."

Na higblood ako nung narinig ko na pinaguusapan ng mga nagmamala mean girls si Yuri. At anong sinasabi nilang social climber? Baka nga mas mahal pa ang kuko ni Yuri kesa sa mga buhay nila eh! Kung alam lang nila kung sino talaga si Yuri.

Imbis na pumasok na ako sa class ko napa stop over tuloy ako. Saglit nga lang, papatahimikin ko lang tong mga insekyorang to! Ang sarap isampal sakanila ng ganda ko eh!

"Eh kung palaklakin ko kaya kayo ng alcohol? Tutal maduduming salita din naman ang lumalabas jan sa bunganga niyo!" bungad ko sakanila. Halos mamutla sila nung nakita nila ako.

"K-kahi?" nagkakalabitan pa sila at parang nagsisisihan.

"O bakit nauutal ka?" tinaasan ko nga ng kilay.

"Ha-ha? Ah eh kasi..."

"Pwede ba next time bago niyo ibuka yang mababaho niyong bibig, iisipin niyo muna kung sinong kakalabanin niyo." Dinuro duro ko sila isa isa. "And what the hell is your problem ba? Naiingit kayo kasi gusto ni Nico si Yuri? Eh kahit ako maging lalaki, mas gugustuhin ko si Yuri. Eh bukod kasi sa ang papanget niyo, ang papanget din ng mga ugali niyo!"

Hindi padin sila nagsasalita. Nakatungo lang sila. Nakakawala sila ng poise pero I love my bestfriend that much.

"At sa susunod na ibubuka niyo yang bibig niyo at lalaitin si Yuri, ipapa bulldozzer ko yang mga dila niyo."

Ano daw? Bulldozzer? Hahaha! I don't really know what that means pero ang alam ko it's a tool.

Sabay walk out ko. Wala akong pakeelam kahit nasa ibang classroom ako kanina basta nasabi ko ang gusto kong sabihin.

Nakakairita lang kasi na lalaitin yung bestfriend mo. Lalo na kung hindi pa totoo yung mga sinasabi nila.

At ano daw yung magkaholding hands si Yuri at Nico? Hindi ko alam yun ah! I really need to talk to Yuri.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon