FIFTEEN: Camp- Part 1

120 2 0
                                    

Yuri's POV

7 am nung nagready na kami ni Kahi para sa camp. Iniisip ko palang na 2 days kong makakasama si Nico napapangiti na ako. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa sobrang excitement. Pero pag naiisip ko na makakasama ko din si devil nababadtrip ako. Psh!

"Goodmorning Axel!" bati ni Kahi kay Kuya na nagbrebreakfast na.

Si oppa naman hindi man lang ngumiti o bumati. PMS nanaman kaya siya? Tsk! Parang nung isang araw lang nagseselos siya sa admirer ni Kahi tapos ngayon naman hindi niya pinapansin si Kahi.

Ok na kami ni Kahi. Nag overnight nga siya dito para sabay kami ngayon sa camp. Nagdahilan nalang ako sakanya kung bakit iwas ako sakanya nung mga nakaraang araw. Sabi ko, family problems. At alam na naman niya kung anong ibig sabihin ko dun kaya hindi na siya nangusisa pa.

Alam na kasi ni Kahi na may problem din kami sa family. Yun nga, walang oras samin mga magulang namin.

"Saan kayo pupunta?" seryosong tanong ni oppa.

"Camp." Tipid na sagot ko.

"All girls?" yung boses niya parang ang strict ng dating.

"Of course not. It's a senior camp so lahat ng seniors nandun. Guys, girls, bisexual, transexual, transgender, cross dresser etc." Inisa isa ko pa talaga.

"Pilosopo." Masungit na bulong ni oppa.

Inisa isa ko lang naman ah? Masama ba yun?! Pft! Ang sungit!

"Why Axel? Natatakot kaba na baka makahanap ako ng iba dun?" singit naman ni Kahi.

Hahaha! Masyado talagang feelingera si Kahi.

"No. I know you like me so much kaya you can't find a replacement for me." Oppa said coldly but teasingly at the same time.

Si Kahi naman nabilaukan pa sa sinabi ni oppa.

Naisip ko tuloy si Kirby. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang ilalakad ko kay Kahi. I know na medyo like na ni oppa si Kahi. Si Kirby naman he's really determined to get Kahi back. Err. Pero it's not my choice naman. Si Kahi padin magdedecide.

"Good thing that you know." Simpleng sagot ni Kahi. Si oppa naman naging uncomfortable at tumayo na.

And wait? Napasmile ba siya ng very very slight?

Bago tuluyang makalayo samin si oppa nilingon niya ulit si Kahi.

"Kahi, magbehave ka dun." Sabi ni oppa sabay akyat na sa kwarto niya.

Pareho kami ni Kahi na nagkatinginan na halos hindi kami makapaniwala. Si oppa ba yun? Kelan pa siya nagcare kay Kahi? At bakit si Kahi lang ang sinabi niyang magbehave? Hindi ba siya concern sakin?

Ano yun?! Third wheel lang ako dito ganon?!

Iba na talaga pag inlove.

"O- M- G Yuri! Si Axel ba talaga yun?" ang laki ng ngiti ni Kahi na narevive na ang katinuan.

"O tuwang tuwa ka naman?" sagot ko.

"Duh? Obvious ba?And bakit parang threatened siya? Kyaaaahhh!" hala nagdedelirio na tong babeng to.

"Hmmm.. Kahi do you like my brother that much?" tanong ko sakanya.

"Yes." She said reassuringly. Hindi man lang siya nagdalawang isip.

Poor Kirby!

"Paano kung nakilala mo na si secret admirer at nagkataon din na nagkagusto na sayo si oppa.. who would you choose?" I asked.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon