Buong weekend hindi ko nakasama si Kahi. Namimiss ko na nga siya eh. Dati kasi kahit weekend hindi kami mapaghiwalay. Pero gusto ko muna kasing magisip. Gusto ko pag nakipagusap na ako sakanya eh yung ready na akong sabihin na yung secret admirer niya ay si Nico. Buti nga hindi niya ako masyadong kinukulit kasi ayoko ng magsinungaling o magdahilan kung bakit iniiwasan ko siya.
Pumunta ako dito sa cafeteria kasi alam ko na hindi pumupunta dito si Kahi pag sinabi kong hindi ako makakasabay sakanyang maglunch. Wala akong pakeelam kung magisa man ako ngayon, yun naman din kasi yung gusto ko sa ngayon.
"Ui Yuri!" pagangat ko ng ulo ko nakita ko si Kirby. Kinabahan ako bigla na baka kasama niya si Nico at si Kent pero buti nalang magisa lang siya.
Nung nangyari kasi yung incident sa mall, bigla nalang umalis si Kent na walang pasabi. Derederetso na siyang umalis nung hindi niya nakuha ulit yung loob nung ex niya.
Aaminin ko, naawa ako kasi alam kong kasalanan ko yun. Dahil sakin kaya sila nagbreak. Pero hindi ko naman kasi alam na ganun pala kamahal ni Kent yun. Akalain mo, ang isang Kent Matthew Mendoza luluhod dahil sa babae?
Kahit papaano tuloy medyo nagiba ng konti yung tingin ko sakanya. Yes, he's harsh, but still, he knows pain and he gets hurt.
"Bakit ba ginagawa mong kama tong lamesa? Yan tuloy napagkamalan ka ni Kent dati!" Oo nga pala. Nandito nga pala tong si Kirby.
So hindi pala niya alam what does that jerk really meant back then?
"Himala yata hindi mo ko tinawag na nerd. Anong kailangan mo?" I said coldly.
Umupo siya sa tabi ko and munched on his burger. "Bakit magisa ka? Nasaan si Kahi?" bakit parang ang bait niya yata sakin ngayon?
"Hindi ko alam." Tipid na sagot ko. "Eh ikaw? Bakit hindi mo yata kasama yung 2?"
"Si Kent umalis na. Tinatamad daw siyang pasukan yung afternoon class eh."
Kahit kailan talaga ang hilig nun magditch ng class. Pero hindi naman ako interesado kung nasaan si Kent.
"Eh yung isa?"
"Ah yung crush mo?" he grinned. Parang nakakaloko pa yung ngiti niya.
"Hindi ko crush si Nico."
"Kunwari ka pa. Bakit nasayo yung bracelet niya? Stalker ka niya nuh?" akala ko medyo mabait na siya pero hindi pa pala.
"Napulot ko lang yun. Hindi ko alam na kay Nico pala yun."
"Sinoli mo naba sakanya?" oo nga no. hindi ko pa pala nasosoli kay Nico yung bracelet.
"Eto oh. Ikaw na magbigay sakanya." Pinatong ko sa table yung bracelet.
"Ok. Pero sasabihin ko ikaw yung nakahana---"
"Wag!" mabilis na sabi ko. "Wag. Wag mo nalang sabihin na ako yung nakapulot niyan."
"Bakit? Siguro talagang kinuha mo to no?" ginawa pa akong magnanakaw.
"Hindi. Basta wag mo ng sabihin. Isoli mo nalang." Tumayo na ako at kinuha yung bag ko.
"Uh Yuri..." nakakadalawang hakbang palang ako tinawag ulit ako ni Kirby.
Nilingon ko siya. "Ano yun?"
"Ah kasi-ugh. Nevermind." Napailing siya at nagpatuloy nalang sa paglamon.
"Weirdo." I whispered and left.
Bakit parang medyo hindi niya yata ako hinard ngayon? Siguro dahil pareho kaming mukhang matamlay.
***
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...