TWENTY SEVEN (part 2): I'm Trapped

68 1 0
                                    

"DEVIL?!" Sigaw ko nung makita ko si devil. Ang lakas na halos lahat ng tao sa paligid namin napahinto saglit dahil sa boses ko.

"Sige ipahiya mo sarili mo." mahinang sabi ni devil

I cleared my throat kasi napahiya naman talaga ako. Nagulat lang naman kasi ako. May nagulat ba na napabulong? Sige nga!

"Para ka talagang kabute! Kung saan saan ka sumusulpot. Kala ko sa pader ako tumama eh." sabi ko habang hawak hawak yung ulo ko na tumama sa taong bato na to.

"Hindi pader yun. Tawag dun ABS. Stupid." at talagang pinagdudulan niya sakin yung word na ABS. PFT!

"Bakit ka nandito?" I shifted the topic.

"Ikaw bakit ka din nandito?" Masungit na tanong niya.

"Wow ha! Kailan pa naging sagot ang isang tanong sa isa pang tanong?!" Pambabara ko.

"Wala kang karapatan na kwestyunin ako. Baka nakakalimutan mo you're still my slave."

Then reality hits me. oo nga pala. Slave padin niya ako.

Inirapan ko siya at napatingin naman ako sa hawak niya.

"Yung necklace ko!" Malakas na sabi ko. Naexcite lang kasi ako. Nakalimutan ko kasi na hinahanap ko yung necklace ko nung nakita ko si devil.

"Sayo to?" May halong gulat yung pagkakatanong niya.

"Oo. Akin na nga yan!" Nung dapat kukunin ko na yung necklace ko bigla niyang tinaas yung kamay niya.

"Akin na yan! Ibigay mo sabi eh!" Para akong tanga kakatalon para maabot yung necklace ko bakit kasi ang tangkad niya?!

"Anong sayo?! Wala namang pangalan mo ah!" pambubully niya.

"Akin yan! Kahit walang pangalan akin yan!" Inis na sabi ko.

"Who gave you this?" Nakakunot noo na tanong ni devil.

Ano bang pakeelam niya? Pinagttripan nanaman niya ako.

"Bigay sakin yan ni Mikmik eh! Akin na yan please!" Parang gusto ko ng maiyak sa inis ko kay devil. sobrang importante kasi sakin nung necklace na yun at importante din yung taong nagbigay sakin nun.

Lumambot naman yung expression ni devil at unti unti na niyang binaba yung kamay niya. Tumingin siya sakin saglit. Siguro nahalata niya na inis na talaga ako.

"Oh sayo na! Iyong iyo na! Para kang bata!" sabay abot niya sakin nung necklace.

Gumanda ulit yung mood ko nung sinoli na sakin ni devil yung necklace. Siya pa nga yung parang nagalit.

"Stop smiling. Parang necklace lang." pagsaway niya sakin.

Sinimangutan ko lang siya. Palibhasa kasi hindi niya alam kung gaano kaimportante tong necklace na to. Selfish kasi siya! Leche plan!

"Bakit ka ba kasi nandito devil?" Iritang tanong ko. Ang sakit kasi niya sa bangs kaya ayokong nakikita siya.

"Hindi ganyan magtanong ang alipin." simpleng sagot niya.

"Edi sige. Kamahalan, ano po ba ang ginagawa niyo dito?" Magalang na tanong ko pero syempre kunwari lang yun.

"Tch. Hindi bagay sayo. Naglilibot lang. Nabored ako sa bahay eh." nagkibit balikat siya. Pa cool talaga. Pft!

Nabored na nga lang siya dito pa niya naisipan pumunta. Tadhana nga naman kusa akong nilalapit sa taong pinakahate ko.

Naisip ko bigla yung nangyari kaninang umaga. Buti naman hindi na ganon ka dark yung aura ni devil. Balik na siya sa normal na devil na nakilala ko. Iniisip ko tuloy, tanungin ko kaya siya? Kaso alam ko naman na hindi niya ako sasagutin at magagalit pa siya sakin. Ganyan kasi yan si devil, may sarili siyang mundo at hindi mo yun pwedeng kwestyunin.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon