TWENTY SEVEN: Frozen

61 0 0
                                    

THIS IS A FILLER CHAPTER. PART 2 will be posted soon.

Tahimik ako naglalakad dito sa corridor papasok ng room. Habang naglalakad ako bigla nalang ako nakarinig ng lagapak. Parang may kung sinong hinahampas sa locker. Naririnig ko pa lang parang ako na Yung nasasaktan.

Sumingit ako sa kumpulan ng tao para makita kung saan ba galing yung ingay. May nagaaway ba? Bakit walang umaawat?

"Say it! Just fvckin say it!" Nagulat ako sa nakita ko at parang napako ako sa kinatatayuan ko.

Si Kent. May binubully nanaman siya. Mukhang hindi taga dito yung guy kasi hindi siya nakauniform pero mukhang hindi basta basta bully na trip lang yung ginagawa ngayon ni devil. Iba yung itsura niya. Napa ka dark ng aura niya at parang galit na galit siya.

"Sino ang nagutos sayo?! Sino?" Halos mapatalon ako sa sobrang lakas ng boses ni devil.

Akala ko worse na yung nakikita kong galit niya sakin at sa ibang binubully niya pero hindi pa pala. It's like he's becoming a monster.

Kahapon lang nagkaroon kami ng confrontation and it was the same aura he has now kung paano niya panggigilan yung lalaki.

Hindi sumasagot yung guy kahit duguan na yung labi at ilong niya. Ilang beses nadin siya binabalibag ni Kent sa locker pero hindi Siya nagsasalita. napansin ko din na may maliit na sugat sa labi si Kent. Siguro nagkaabutan sila kanina.

Nagulat kami nung nag smirk ito kay devil at tumingin siya na parang nangaasar pa.

"How does it feel Kent? Anong pakiramdam na hindi mo alam kung sino ang kumakalaban sayo? Na anytime pwede ka niyang atakihin ng wala ka man ang kamalay malay? Anong pakiramdam na wala kang laban kasi ni hindi mo alam kung sino ang kalaban mo?" Nagsalita yung lalaki at sinuntok naman siya agad ni Kent.

Bakit ba walang umaawat sakanila? I looked around, lahat ng estudyante nanunuod lang at napansin ko si Kirby sa gilid at ang dark din ng aura niya at ang sama din ng tingin niya dun sa lalaki. Parang hindi din siya yung Kirby na kilala ko. Nawala yung masayahin at cute na aura niya.

Ano bang atraso nung lalaki dun sa dalawa?

Kahit bugbog sarado na yung lalaki eh nakukuha pa niyang galitin si devil. At mukha naman kasing yun yung pakay niya, to bring out the worse in Kent. Pero sino ang kalaban ni devil? Sino ang may gustong saktan siya? May kinalaman kaya dito yung tatlong lalaki na nanakit sakin?

Tinulak ni devil yung lalaki sa locker tsaka niya ito binitawan.

Pinunasan ni devil yung dugo sa labi niya bago siya nagsalita.

Why does he have to look so hot wiping his lips?

Ano bang iniisip mo jan Yuri! Kita mong nagkakainitan sila eh!

"Tell this to your fvckin coward boss. Hindi ko man siya kilala ngayon, makikilala ko din siya at pag nangyari yon..." He paused for a while.

Bigla siyang napatingin sa direksyon ko at naramdaman ko nanaman na parang nanginig ang buong sistema ko. Hindi ko siya makilala. Hindi ko makilala yung mga mata niya dahil halatang puno to ng galit.

Agad siyang umiwas ng tingin ng makita niya ako at bumalik yung atensyon niya dun sa lalaki.

"Idederetso ko siya sa impyerno ng hindi man lang pinaglalamayan." mariin na sabi niya dun sa lalaki then he walked out kasunod si Kirby.

Nagsialisan nadin yung mga tao sa paligid pero ako, hindi ako makagalaw. Bakit parang natakot ako kay devil? Bakit parang hindi siya si Kent? Bakit parang totoong devil ang nakita ko kanina?

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon