FORTY ONE: Truth or Dare

71 3 2
                                    

Pagkatapos ng nangyari kay Kent sinabi ko sa sarili ko na lalayo nako sakanya. Lagi nalang kasi siyang napapahamak dahil sakin. Minsan iniisip ko tama lang siguro na hindi siya yung pinili ko kasi wala naman akong magandang nadudulot sakanya.

"Bakit hindi ka nagdinner kanina?" Nagaalala kami sayo." Napatingin ako nung umupo si Nico sa tabi ko.

Nandito kasi ako nakaupo sa shore.

Simula nung nangyari yung kanina pakiramdam ko wala akong mukhang ihaharap sakanila kaya hindi ako lumabas ng kwarto ko. At isa pa, alam kong galit sakin si Dianne at baka pati nadin si Kent.

"Busog kasi ako." I forced a smile.

"Wag mong sisihin yung sarili mo. Hindi mo kasalanan yun." Sa lahat ng taong kilala ko, si Nico na siguro yung taong pinkakilala ako at alam yung nararamdaman ko.

"Kasalanan ko. Kasalanan ko kasi akala ko nagbibiro lang siya kanina." Malungkot na sagot ko.

"Lagi ko nalang siya pinapahamak. Lagi ko nalang siyang nasasaktan. Kasalanan ko lahat eh. Ang sama sama ko." Hindi ko na napigilang mapaiyak.

Naramdaman ko na sinandal ni Nico yung ulo ko sa balikat noya habang yung isa noyang kamay nakapulupot sa balikat ko.

"Shhhh wala naman may gusto nung nangyari at alam kong alam din yun ni Kent." Paliwanag ni Nico tapos pinunasan niya yung luha ko.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Nico. Nakasandal lang ako sa balikat niya at nakatingin sa malayo at dahan dahan na nawala yung mga problemang iniisip ko.

"Alam mo bang iba yung epekto mo sakin." Sabi ko kay Nico.

Narinig ko siyang mahinang natawa. "Sobrang gwapo ko kasi eh."

Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran niya. "Pero seryoso nga. Ibang epekto yung nabibigay mo sakin. Lagi mo kasing napaparamdam sakin na safe ako."

"Yuri magagalit ka ba pag sinabi kong hindi ako si prince charming?"

Napatingin agad ako sa sinabi ni Nico.

Nakatingin siya sa mga mata ko at hinawakan niya yung kamay ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Naalala mo ba yung nagligtas sayo nung may nanakit sayo na mga goons?"

Tumango ako. Paano ko makakalimutan yung baboy at walis na yun?!

"Hindi ako yung nagligtas sayo nun. Si Kent. Si Kent yung nagligtas sayo nung araw na yun."

Medyo na slow ako sa sinabi ni Nico at binalikan yung nangyari.

"Pero bakit mo sinabi na ikaw yun?" Naguguluhang tanong ko.

"Ayaw kasing ipasabi ni Kent na siya talaga yung nagligtas sayo. At alam mo ba kung anong sinagot niya nung tinanong ko kung bakit?" Nag pause muna siya at nagsmirk. "He said that he wanted to give you your prince charming. Ewan ko ba sa lalaking yun. He may seem tough but deep inside, malambot din yun."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Nico. Ibig sabihin si Kent talaga yung sumagip sakin nun.

"That's the time I realized na gusto ka niya. He really likes you. A lot. Alam mo bang lahat kami napansin agad yun ewan ko nga kung bakit hindi mo yun naramdaman eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon