"Nicoooo!" masayang bati ko. Unang beses kasi siyang tumawag sakin simula nung umalis siya.
[Hi my princess. Miss me?"] may pangaasar sa boses niya.
"Psh! Oo na! Kamusta ka pala jan?" hindi ko mapigilang mapangiti sa kilig.
[Ok lang naman. Kadadating ko lang galing ng meeting. I'm so tired and worst, I'm missing you so badly.]
Mahina akong napabungisngis sa sinabi ni Nico. Ang init na ng mga pisngi ko. Paano kasi tong si Nico napakagaling magpakilig. Enebe keshe!!!
"Then hurry and come back." Sabi ko naman. Shete, napapaenglish ako ng wala sa oras pag si Nico yung kausap ko. Paano kasi may pagka englisero siya nahahawa tuloy yung dila ko.
[I will. Sige na, I have to go. I just needed to call you para hindi kita masaydong mamiss.]
"Sige. Magpahinga ka nadin. Alam kong pagod ka. Ingat ka din jan. And I miss you too." Medyo mahina yung pagkakasabi ko ng part ng I miss you too, nahihiya pa kasi ako.
[Hearing you say that makes me want to fly back to Manila right now. But, kailangan ko muna magtiis. Sige na, bye na baka hindi nako makapagpigil na umuwi jan.]
Bahagya akong natawa sakanya. Parang kasing frustrated pa siya nung sinabi niya yun. "Sige na, bye."
[Bye my princess, I'll see you soon. ] then he ended the call.
Hinawakan ko yung magkabilang pisngi ko, at tama nga ako ang init na nila. Kahit boses lang ni Nico kinikilig na ako. Ang sexy kasi ng boses niya lalo na pag nageenglish siya! Ang hot lang ng dating!
"Hey stupid! Nagugutom ako!" speaking of hot, may pasyente pala ako dito na nilalagnat. Psh! Panira ng kilig!
Narinig kaya niya yung usapan namin ni Nico? Alam ko kasi nakaidlip siya kanina eh! Pero ano naman? Alam naman niya pala na nililigawan ako ni Nicolo.
"Anong gusto mong kainin?" Lumingon ako sakanya. Nakaupo kasi ako sa sofa na nasa harap ng kama niya.
Apat na oras ko na binabantayan si devil at hindi parin bumababa yung lagnat niya. 39 degrees padin. Palibhasa kasi may lahing demonyito kaya natural ang init niya.
"Mmmmm.." nagisip siya habang nakapatong yung isang kamay niya sa baba niya. Cute! Wait. Whut? No!
"Arrozcaldo!" excited na sabi niya.
"Ano?! Arrozcaldo?!" gulat na ulit ko.
Tumango naman siya na parang bata. Hays! Bahala na! Feeling ko naman marunong ako magluto nun.
"Fine. Bahala na!." Sabi ko sabay lakad ko papunta ng pinto.
"Teka!" Natigilan ako sa paglalakad nung nagsalita si devil.
"Bakit?" Lumingon ako sakanya.
"Siguraduhin mong ikaw ang magluluto niyan. Don't you ever dare na ipaluto yan sa mga katulong. I'm warning you, alam ko ang lasa ng luto ng mga maid dito kaya wag kang magkakamali." Pinanlisikan niya ako ng mata.
May sakit na pero nakakapang-banta padin! Konti nalang hindi na talaga ako maniniwala na may sakit talaga siya.
"Oo na!" sabay talikod ko ulit sakanya. Bahala siya, tiisin niya yung lasa kung ako ang gusto niya magluto. Wag na wag siyang magrereklamo.
"Wait!" tawag niya ulit. Ano nanaman ba yun?!
Lumingon lang ako at hindi nagsalita. Hinihintay na magsalita nalang siya.
"C-c-come back." Pagkasabi niya nun umiwas agad siya ng tingin. Napaawang naman ng konti yung bibig ko sa sinabi niya. Is it real? Did he just say, come back?
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...