Special Chapter

54 2 0
                                    

1 week nadin yung nakakalipas simula yung kumalat yung maling balita samin ni Kent. Kung alam lang nila yung tungkol sa deal namin. Kung alam lang nila na slave lang ako ni devil. Period. Hanggang dun lang.

Nakita ko si Kahi na nakatungo sa may cafeteria. Alam kong may problema siya pag ganyan. Tinabihan ko naman siya agad.

"Problem?" Sabi ko.

Inangat naman niya agad yung ulo niya at tinignan niya ako. Halata sa mga mata niya na namomroblema siya.

"Oh bakit ganyan itsura mo? Ano bang nangyari?" Ako kinakabahan sa inaasal niya eh.

"Yuri-ya..." Nakapout siya. "Ottoke? Na neun chugo so.." (What should I do? I feel like I'm dying.)

Kumunot naman yung noo ko. Minsan kasi talagang OA tong bestfriend ko na to. "Wae? Busun seurya?!" (Why? What are saying?)

"Naiinis kasi ako kay tuta eh." Sagot niya. Napasmile nalang ako.

"Bakit naman? Ano bang ginawa niya?"

"Tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Pag nakikita ko siya dito sa school hindi niya ako pinapansin at iniiwasan niya ako. Hindi na niya ako sinusundo at hinahatid sa bahay. Hindi na siya tumatawag tuwing umaga para gisingin ako. Hindi na siya tumatawag sa gabi para mag goodnight. Wala na. Bigla nalang siyang tumigil." Halata sa boses niya na frustrated siya.

"Diba yun naman yung gusto mo? Ang lubayan ka niya? Kaya mo nga siya laging kasi ang gusto mo siya ang unang sumuko? Oh eto na siguro yung hinihintay mo. Napagod na siguro siya sayo." Prangkang sagot ko.

Naiintindihan ko naman talaga si Kahi. Alam ko kung bakit siya nagkakaganito pero kailangan ko lang kasi maparealize sakanya yung own feelings niya. Napaka in denial kasi netong bff ko.

At alam ko naman kung bakit ganun ang inaasal ni tuta netong mga nakaraang araw at naiintindihan ko naman siya dun.

Nakatungo lang si Kahi. Halatang pinagiisipan niya yung sinabi ko. Hayy Kahi, bakit kasi manhid manhidan ka jan?

"Napundasshi! Pabo! Crazy fool" pauulit ulit na bulong ni Kahi. "I hate him! Hindi nanaman niya tinupad yung promise niya. Meron pa siyang nalalaman na maghihintay ako. I will not let you go this time. Urgh! Pabo seikya!" (Bad guy. Stupid. Stupid bastard)

Pinipigilan ko na mapangiti sa sinasabi ni Kahi. Hayy kung alam niya lang.

"Dapat talaga hindi ko na siya hinayaang bumalik sa buhay ko." May bitterness sa boses niya.

"Bakit naiinis ka jan? Diba dapat natutuwa ka? Kasi wala nang bumubuntot sayo?" I'm really provoking her. And I'm loving it.

"Oo tama ka! Ang saya ko! Ang saya saya ko! Hahahah!" Halatang pilit yung tawa niya.

Sorry bestfriend pero para sayo din tong mga sinasabi ko.

"Ikaw kasi, ang tagal mong magpahintay." Seryosong sabi ko. Sumeryoso din si Kahi.

"He just cannot wait. I was almost there. Almost."

And that's my cue.

"No Kahi. I think you're there already. Hindi ka naman talaga umalis."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko ata napatungo nalang siya.

"Sumobra nga talaga ako." Sagot niya at bigla niyang inangat yung ulo niya.

I can't believe I'm so good at this. Making people realize their own feelings. Helping people in denial. Triple clap for me.

I slipped a letter galing sa bulsa ko at binigay ko yun sakanya.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon