ONE:
*calling*
Halos mahulog ako sa kama ko nung biglang nagring yung phone ko. Sino ba naman kasing matinong tao ang tatawag ng ganitong oras?! Kakakapa ko sa phone ko nahulog na ako ng kama at yung maingay kong phone nasa ilalim lang pala!
Pagtingin ko kung sino yung tumatawag si Kahi! Bwiset talaga kahit kailan tong bestfriend ko!
"HELLO!" Sigaw ko sakanya.
"That hurts!' sigaw naman nung nasa kabilang linya. teka, hindi boses ni Kahi yun ah! boses ng lalaki. "you're friend is a mess. pick her up here in Strata Club! NOW!" sabay baba niya ng phone. Aba bastos! Utusan ba niya ako?!
Humanda lang talaga tong si Kahi pagpunta ko dun. Nagclub nanaman ang loka! Bakit kasi ako nagkabestfriend ng party girl eh! bahala na! Kahit ano nalang ang isuot ko dun. Susunduin ko lang naman si Kahi eh. nagshorts nalang ako tapos loose white shirt then sneaks. Wala naman kasi akong damit pangclub dahil hindi naman ako pumupunta dun.
Paglabas ko ng bahay swerte naman na may taxi na dumaan. lagot talaga sakin si Kahi! napagastos pa ako ng di oras! Wala naman akong choice alangan naman bulabugin ko yung driver namin para sunduin lang yung lasenggera kong bestfriend!
Ok. Habang papunta ako sa club let me first introduce myself. I'm Severina Yuri Choi. 17 years old. incoming 4th year highschool student. I'm half Filipino, 1/4 Korean and...
1/4 dyosa.
Hindi ako masyadong fluent mag Korean since sinanay kami ng mom ko na magtagalog. My dad is half korean, half Filipino samantala yung mom ko naman Half Filipino and half amazona. Haha! Joke lang! Pure Filipino mom ko. I have an older brother, Axel Xander Choi. 19 years old na siya.
Pagdating ko sa club ang ingay agad kahit nasa labas pa lang ako. May mga nakapila sa labas tapos may 2 bouncer sa may entrance.
"Miss saan ka pupunta? VIP kaba?" tanong nung isang bouncer yung boses niya sinlaki ng katawan niya. Nakakatakot! Langya! Parang hanggang sikmura lang ako neto eh!
"Susunduin ko lang yung kaibigan ko sa loob. Hindi na daw kasi makauwi eh"
Nagkatinginan lang yung 2 bouncer tapos may lumapit pang isa na galing sa loob at may binulong sakanila. "sige, pasok na"
Ganun ganun lang yun? Ha!Eh bakit ang dami pa nakapila sa labas eh napakadali naman pumasok. tsk !
Pagpasok ko sa loob ang dilim. Neon lights lang yung umiilaw. sobrang crowded. Ang daming nagsasayawan. Sigawan. Inuman. Halikan. Ay basta! Napaka wild!
Nasan na ba kasi si Kahi?! maya maya pa natanaw ko na din siya. Nakahiga sa couch dun sa medyo exclusive part ng club.
"Kahi! Get up! " Sigaw ko sakanya pagkalapit ko. Sabog na sabog siya eh! Hindi na makatayo sa sobrang kalasingan. Kung hindi lang to lasing at walang laban tinadyakan ko na to eh!
"iyrrunna bonggchungga!" (get up stupid) pinilit ko siyang itayo.
"Yuri! My bestfriend! Wahhhh!" Nagising ang loka tapos bigla akong niyakap. Ang lakas ng tama!
"Let's go home"
Umiling lang si Kahi at nag pout. Nalungkot siya bigla. "Yuriya..." papaiyak na siya. Halatang kanina pa siya umiiyak kasi namumugto yung mata niya. "Yael broke up with me. Ottokajji?' (what should I do)
Sino daw Yael?Ah! Yung sinabi niyang bago nyang boyfriend. Pero 2 weeks palang sila nun ah! Hindi ko pa nga nakikilala yun eh. Sadyang OA lang tong si Kahi. Kala mo naman namatayan! Lalaki lang pala.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...