I don't know what I can hear, is it my own heartbeat or his? But whoever heartbeat it is, I know it is beating so fast. Na parang konti nalang heart attack na. Nakakabingi.
After 45,787,900 years...
Humiwalay din yung mga labi niya sa mga labi ko. Pero hindi ako nilubayan ng mga mata ni devil.
He's looking at me intently. Hindi ako makapagsalita. For the second time around...
NINAKAWAN NANAMAN AKO NG HALIK NG WALANGHIYANG TO!
*boogsh*
"Oh my gosh!"
"Oh!"
"Ayyyy!"
That's the people scream. Kung kanina humihiyaw sila dahil sa kissing scene namin ni devil, ngayon naman napasigaw sila dahil sa pag sapak ko kay devil.
Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Huli na ang lahat nung narealize ko yung ginawa ko.
Patay...
"WHAT WAS THAT FOR HUH?!" ayan na! Galit na galit yung itsura ni devil. Parang kakainin niya ako ng buhay.
"Ah eh..kasi..ano eh...hindi ko naman..." hindi ko siya masagot ng maayos.
Hindi ko din kasi talaga alam kung bakit bigla ko nalang siyang nasapak. Nagulat lang kasi naman talaga ako. Tsaka for a second, nagalit ako sa ginawa niya.
Pero bakit ngayon, umurong bigla yung dila ko at nagisisisi ako kung bakit ko siya sinapak.
Nakatitig lang siya sakin. Naghihintay ng explanation ko.
Eh paano ba ako makakapagpaliwanag ng maayos kung pinapatay na niya ako sa mga mata niya. Ang sama kaya ng tingin niya!
"...eh kasi..ano..sorry... nagulat lang ako. Ikaw kasi hindi ka man lang nagpaabiso." I gave him a slight smile. Malay mo makuha sa pagpapacute ko at magdalawang isip siya na ipabitay ako.
Nanggigil si devil. I can see how he form his fist tightly. Patay talaga ako neto. Kanina lang ako yung galit sakanya, ngayon naman siya naman tong galit na galit na sakin.
Pero diba bagay lang naman sakanya yun? Hinalikan nanaman kasi niya ako.
I feel molested.
"Hahahahahaha!!! That was funny Yuri!" napatingin kaming lahat kay Tito George na halos himatayin sa kakatawa.
Nakakahiya! Party nga pala to ng daddy ni devil tapos sinapak ko siya! Pero bakit imbis na magalit eh tawang tawa pa si Tito George?
Nilapitan niya kaming dalawa ni devil at hinawakan kami sa balikat.
"Bilib ako sayo Yuri. That was the first time na nasapak ang anak ko. At ng babae pa! Hahahaha!" hindi padin siya tumitigil sa kakatawa.
"Stop it dad. It's embarassing." Bulong ni devil na pikon padin.
Ayos din tong si tito George mas gustong nakikitang nasasaktan yung anak niya! Hahaha!
"Sorry po. Hindi ko naman po sinasadya. Nagulat lang po kasi ako." Paliwananag ko habang nakatungo. Nakakahiya padin kasi!
"You don't need to say sorry. What you did was awesome!" nag ok sign pa si Tito George.
"Ayusin niyo yan. Son, don't let this girl go. I like her for you." Sabi ni Tito George kay devil habang tinapik ito sa balikat sabay alis niya.
Kasabay ng pagalis niya ang pagalis din ng atensyon samin ng mga tao.
Eto na.
Eto na ang katapusan ko.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...