THIRTY SEVEN: She's Back

50 1 0
                                    

Pagkatapos namin magusap ni Kent hindi ko na siya ginulo kasi mas naiintindihan ko na siya ngayon. Siguro nga sobrang hirap sakanya na makita ako kasi nasasaktan ko lang naman siya.

Lumipas ang dalawang linggo wal akong nakitang Kent Mendoza. Wala din akong narinig na kahit na ano tungkol sakanya nuong Christmas break. Kahit si Kirby hindi alam kung anong balita kay Kent. Basta ang huli ko lang alam eh nagbakasyon siya sa America. Siguro doon siya nag Christmas kasama sila Tito George.

Aaminin ko na hindi ako sanay na hindi nakakausap si devil, hindi niya nauutusan, at hindi na naaasar. Ngayon kasi talagang iba na yung trato niya sakin. Hindi niya ako pinapansin, ni hindi niya ako tinitignan, hindi din niya ako kinakausap. Pero naiintindihan ko naman kung bakit. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit ako nasasaktan.

Ang weird ko talaga.

First daw na ulot ng klase after Christmas break. Medyo kinakabahan ako na makita siya ngayon. Hindi ko kasi alam kung galit pa ba siya sakin at kung pwede na kaming maging magkaibigan.

"Girls nabalitaan niyo naba? Si Dianne Montenegro nagtransfer na daw dito sa school natin."

"Dianne Montenegro? The heiress of Montenegro Corporation?!"

"Yup! And rumor has it na nagkabalikan na daw sila ni Kent.

Napatigil ako sa bulungan ng mga tao. . Si Dianne. Si Dianne ni Kent. Si Dianne na mahal na mahal ni Kent. She's back.

"Bagay talaga sila no? Sabagay they deserve each other."

Parang may kung anong kumirot sa bandang dibdib ko sa narinig ko. Sila na ni Kent? Sila na ulit? Pero akala ko...

"Oh my gosh! Andyan na sila!!!"

Nagtakbuhan yung mga tao sa front door ng school. Parang may artistang dumating. Lumapit ako para makita kung sino yung pinagkakagulahan nila. Naalala ko sila Kent, Kirby, at Nico ang inaabangan nila lagi sa front door.

Pero paglapit ko, iba yung nakita ko. At hindi ko alam kung bakit parang bumigat yung pakiramdam ko at nanlambot yung tuhod ko.

Si Dianne at si Kent. Magsakasabay silang naglalakad papasok ng school. Tama nga sila, bagay silang dalawa. Hindi ko magawang isipin yung pagamin sakin ni Kent.

Dalawang linggo. Ang bilis naman devil.

Siguro narealize niya na si Dianne talaga yung gusto niya.

Sabagay sino ba naman ako kumpara sakanya?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabagay sino ba naman ako kumpara sakanya?

Nagtama yung mga mata namin ni Kent. Parang may sinasabi sakin yung mga mata niya pero hindi ko alam kung ano.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon