FIVE: Identity Thief

149 5 0
                                    

Napapansin ko na 2 araw ng hindi pumapasok si Kent. Buti nalang hindi pa ulit nagpapaassigment si Sir.

Promise talaga. Hindi na ako matetempt pag pinakopya nanaman niya ako. Dapat talaga may kasama ng explanation. Hirap na baka mapahiya nanaman. At buti nalang din dahil hindi pa ako nakakaget over sa ginawa nila!

Pero ok nadin kahit papaano na wala siya at least si Nicolo lang ang katabi ko. Hindi talaga niya hobby magsalita.

Gusto ko nga siya kausapin at magthank you sa ginawa niya pero parang nakatali yung dila ko. Naiwan ko pa yung jacket niya.

Isosoli ko na dapat eh.

Nasinghot ko na kasi lahat ng amoy! Joke! Hahaha! Pero ang bango kaya.

"may sasabihin kaba?" natauhan ako nung nagsalita siya. Hala! Kanina pa pala ako nakatitig sakanya.

"H-ha? A-eh-wala naman." Deny to death naman ako.

Tumingin siya sakin. Ang gwapo! "eh bakit moko tinitignan?" may halong ngisi pa yung tanong niya. Parang nangaasar.

Umisip ka na ng palusot Yuri! Paliwa! (hurry up)

"Aray!" napasigaw si Nico. Bigla ko kasi siyang sinampal. "Bakit mo ginawa yun?!" Hala galit siya!

"A-e kasi may lamok. Oo tama may lamok kasi sa cheeks mo." Napaka stupid mo talaga Yuri. Iisip ka nga lang ng dahilan eh yung hindi pa kapani paniwala.

Bigla siyang nag smirk. Bipolar yata tong crush ko. Kanina kasi asar yung mukha niya tapos ngayon nakangiti.

"Alam mo ang cute mo." Nakangiting sabi niya tapos umiling iling.

Natigilan nanaman ako sa sinabi niya. Tinawag ba niya talaga akong cute? Pwede na akong himatayin as in now na.

"Hi nerd..."

"Hello?"

"Oy nerd!" nagulat ako nung biglang sumulpot sa harap ko si Kirby, Waving infront of my face. Psh! Epal!

Ilang minutes na ba yung nakalipas nung natigilan ako sa sinabi ni Nicolo at hindi ko namamalayan na nandito na pala tong alagad ni Satanas?

Oo alagad lang siya kasi si Kent yung devil. Pft!

Inirapan ko lang siya.

"Wow! Ang sunget ah!" hinarap niya yung upuan niya sakin. "Ikaw ha. Tinititigan mo si Nico. Crush mo tong si Nico no?"

O___O

Kung kumakain siguro ako ngayon baka nabugahan ko na sa mukha tong lalaking to. Napaka straightforward eh. Sarap hilain ng dila para matuto naman pumreno minsan. -_-

Tapos tinataas taas pa yung kilay niya habang nangaasar.

"Pwede ba wag mo nga akong kausapin." Nakita ko sa peripheral view ko si Nicolo na ngumiti. Kyahh! Gwapo!

"Ayoko. Binilin ka kasi sakin ni Kent." Na curious ako sa sinabi niya.

Ano daw? Binilin ako ni Kent? Di ko gets. Bakiiiitttt?!

"A-ako? Binilin ni Kent?"

"Oo. Binilin niya na........."

Nagpause muna siya para paeffect niya lang. Psh!

" na wag ko daw kalimutan na asarin ka. Hahaha!" tama nga ako alagad nga siya ni satanas!

"So utusan ka pala ni Kent." Pangiinsulto ko sakanya.

"Hindi. Bestfriend ko siya. Pati may utusan bang ganito kagwapo?" Sige pa! yabang pa. "Eh ikaw bestfriend mo ba si Kahi?"

Naalala ko tuloy si Kahi. Ngayon alam ko na kung bakit inis na inis siya dito kay Kirby.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon