"Ficks! Bilisan mo!" sigaw ni Ian, ang bestfriend kong excited na excited na para sa kung anong mangyayari sa gabing iyon. Nasa labas na sya ng kwarto, inaantay nya akong lumabas nang maka-gimik na kami.
Unang gabi namin sa Boracay. It's the official start of summer. Tapos na ang school year at ang sabi ni Ian, beach party naman daw muna bago kami mag-third year college kaya sumama ako nang niyaya nya ako sa Boracay.
Varsity basketball player sya at lakad nila yun after winning the championship sa isang collegiate basketball league. Most of his teammates were seniors or pinapatagal na seniors at kami lang ang incoming juniors at pinakabata sa grupo naming pumunta dun para magbakasyon.
"As if we're going to score or even just talk to a girl tonight e kasama natin ang mga teammates mo. Anong laban natin sa kanila?" sabi ko.
"Negative ka ka'gad Ficks eh. Lalong walang mangyayari nyan eh," sabi nya.
"At ang totoy pa natin. Diba tayo nakakahiya dun?" sabi ko.Ian and I were too young to party, really. It's Boracay and the party scene's hot. Walang lugar ang eager na wide-eyed na katulad nya at awkward at geeky na ako with glasses pa.
Tumutol pa 'ko sa paglabas namin that night kasi baka mapagkamalan kaming mga bading. Ako, isang lalaki pa kasi ang isinama nya sa Boracay.
Kahit gwapo naman, basketball player at magaling mag-gitara, torpe pa sa torpe si Ian. Ako pa na may pagka-geeky ang nagtuturo at nagpupush sa kanya pagdating sa mga babae.
"There's a girl for everyone. May market din para sa mga katulad natin dun," sabi nya.
Isinama nya ako kasi dito daw kami makakameet ng future girlfriend nya o hook up nya para mawala na raw ang virginity nya. At ako daw ang wingman as always.
"Maniwala ako sa'yo. Die hard Michelle ka eh," sabi ko sa kanya.
Sawa na raw sya sa kaiintay sa sobrang perfect na si Michelle na mahalin sya. Si Michelle ang matagal nya nang crush at pangarap na maging girlfriend. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa sya nagkaka-girlfriend. Pinapaasa kasi sya ni Michelle, ginagawang second option.
Sure we'd been in Boracay before, but with our families. Our families were close especially when we were kids kasi magkapit-bahay kami. My mom planned out of towns for our family and his. Isa na yung sa Boracay . They moved to a different city when we were eight years old pero we remained friends, best friends even.
Boracay for two young guys like us? Hindi pa kami ready. Masyadong mapusok ang Boracay.
"Andito na pala si Francis at si Christian!" sabi ng mga teammates nya nang nakita kaming paparating.
Sa bar, marami na kaming nainom dahil patuloy ang order ng mga teammates nya.
"Ficks! Tingnan mo yun oh," sabi nya sa'kin at pasimpleng tinuro ang isang babae na naka-glasses tulad ko.
Simple lang sya, naka tee shirt at shorts, nakatali ng simple ang buhok na hanggang balikat lang, hindi katangkaran at maganda, lalo na ang mga mapupungay nyang mga mata.
Marunong talaga si Ian pagdating sa mga type ko.
"Type ko sya Ficks, ask her out for me," sabi ni Ian.
"Tsk, para sa'yo pala, akala ko para sa'kin," sabi ko.
"Akin, ako ang unang nakakita eh," sabi ni Ian.
"O sige, sige na, lalapit na," sabi ko. Umalis na 'ko dun para lumapit sa babae.
Umingay ang mga teammates ni Ian pero hindi ko na yun pinansin. Iniisip ko na ang sasabihin ko sa babaeng type ni Ian, na type ko rin.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...