Chapter 12

636 8 2
                                    

Ficks. I miss you. Why did you have to leave me? Bakit kasi nawala ka pa?

Tulala si Maggie. She was at the bar assisting the staff with the guests sa restaurant ng hotel dahil understaffed sila and it was crazy busy pero nang bigla syang natulala she thought of me.

"Ma'am," tawag sa kanya ng waiter.

"Huh?" respond nya.

"Yung foreigner po gusto kayong bilhan ng drink," sabi nung waiter at tinuro ang kumaway na caucasian. "Sabi ko bago nya po gawin tanong ko muna sa inyo."

"Thanks. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya," she said.

Madalas magpakita ng interes ang mga guests kay Maggie pero magalang nya lang silang tinatanggihan. Nasanay na sya dahil sa nature ng trabaho nya.

Nilapitan nya ang grupo ng mga foreigners at nagpasalamat sa itinuro ng waiter. Usually, she politely asks how they're doing and if a person insists on getting to know her more than as a guest she would say, "My heart already belongs with someone," with a sweet smile like that time. "And I'm afraid he won't be happy with that very kind gesture. But I hope you're enjoying your time here. Please call us for any assistance we could offer. Have a great night." And she would walk away like that time.

"O anong problema dun Maggie? Ayaw mo ba sa puti?" tanong ni Lina, ang Hotel Manager nila.

Umiling lang si Maggie at sinabing, "No, I'm not interested."

"You're never interested naman Maggie. Ke-ganda ganda mo at bata ka pa. Yung mga kaedad mo, sige sa pagboboys, ikaw naman parang allergic ka. Lesbian ka ba?" tanong ni Lina na may halong pagtataka.

Mahina syang natawa, "Hindi naman."

"Maputla ka ata. Baka naman maysakit ka?" Pinag-aralan ni Lina ang mukha nya. "Magpahinga ka. Mag-half day ka na. Di ka pa naglileave ng isa't kalahating taon ata. Pumanhik ka na sa kwarto mo."

"Kaya ko po," pilit nya.

"No. Hindi mo naman talaga trabaho 'tong pagtulong dito. Sige na. Bukas kailangan ka dahil sa event natin. Maganda nang rested ka para don. Hala sige na," pilit sa kanya.

"Hindi, kaya ko-"

"No, panhik na sa kwarto mo," utos na sa kanya.

Napangiti lang si Maggie at umalis na dun.

Umiling-iling si Lina. "Yung batang yun talaga. Parang hindi bata. Walang kabuhay-buhay."

"Oo nga ma'am, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Sayang, masipag at maganda pa naman pero parang ang bigat ng dinadalang problema lagi," kumento ng Restaurant Manager na si Roy.

"Namatay yata ma'am yung boyfriend nya bago sya nagtrabaho dito," singit ng isang waitress.

"Sayang, matalino at mabait pa namang bata." bakas ang panghihinayang sa mukha ni Lina.

Hay Maggie... You need to move on. The world needs to know how you really view life. Diba before, you wanted to hug life?

Sumalampak si Maggie sa kama. Napahiga sya.

Alam kong ayaw nyang naglileave sa trabaho dahil mapipilitan lang syang isipin ang mga malulungkot na bagay-bagay sa buhay nya.

Ito na naman tayo...

Mahinang naluha si Maggie. "Let me go Ficks! I want to forget the pain!" sigaw nya.

Ako rin. More than anything. Tumabi ako sa kanya. I want you to forget. Ayoko nang nakikita kang ganyan.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon