Bumalik sina Maggie at Ian sa Boracay kinabukasan ng hapon. Magreresign na kasi si Maggie kaya sinamahan sya ni Ian. Pagkatapos, pupunta na sila ng Maynila.
Sina Eldrick at Jackie na naging close na ay nag-stay pa sa Cebu para hintayin si Eric na kakausapin ni Eldrick tungkol kay Jackie.
Masarap tingnan sina Ian at Maggie dahil lagi silang nakangiti sa isa't isa. Masaya ako para sa kanila pero nagtataka rin ako kung bakit hindi pa ako nakakaalis sa nakabiting estado. Kung may atraksyon na sa pagitan nila, ano pang ginagawa ko dito sa mundo nila?
Gabi na nang nakalapag ang eroplano sa Caticlan airport. Nang palapit na sila sa Arrival area, nakita nilang nag-aantay ang sundo nilang si Sapphire na kinunan sila ng litrato.
"Sapphire," suway ni Maggie sa kanya sa pagkuha ng picture nilang dalawa ni Ian. Nag-beso sila.
"Naku kunyari ayaw mo pa," biro at bulong sa kanya ni Saph. Kinurot sya ni Maggie. "Aray!"
Natatawa lang si Ian na buhat lahat ng gamit nila. "Thanks for picking us up Saph," pasalamat ni Ian.
"Naku wala 'to 'no. Nakakatuwa nga eh. Matagal ko na 'tong pinagdarasal," sabi nya. "Mags ano ba yan, magbuhat ka man lang sana kahit isang bag. Na kay Ian lahat o."
Gentleman si Ian eh!
Tiningnan ni Maggie si Ian. "Ayaw nya 'kong pagbuhatin eh."
"Ako na, kaya ko naman eh," ngiti ni Ian kay Maggie.
Napanguso si Maggie at tumingin na lang kay Saph.
Tinuro ni Saph ang reaksyon ni Maggie. "Kinikilig ka!" puna nya. "Kinikilig ka!" pilit nya pa.
"Halika na nga," sabi at hila ni Maggie kay Saph palayo kay Ian. Naiwan tuloy si Ian sa kasama ni Saph na tumulong sa mga dalahin nila.
Nagbulungan sina Maggie at Saph na buti ay naabutan ko.
"Kayo na ba?" excited na tanong ni Saph.
"Ano ka ba, hindi pa," sagot ni Maggie.
Tumawa ng tumawa si Saph.
"Hoy, ba't tawa ka ng tawa?" tanong ni Maggie na nagtataka.
"Kasi sabi mo hindi pa. Talagang umaasa ka! Halata ka!" tawa ni Saph habang nakaturo kay Maggie.
"Oist, wag ka ngang maingay," suway ni Maggie sa kanya na sumilip pa kay Ian kung narinig nya yun.
"So ano, nagsabi na ba sya ng pag-ibig nya? Nagpaalam na bang manligaw?" tanong ni Saph.
Walang nasabi si Maggie.
"Huy," siko sa kanya ni Saph.
Tiningnan ni Maggie si Ian na nakikipagkuwentuhan sa staff ni Saph na isinama. "Hindi."
Umiling-iling si Saph. "Bakit, sila ba nung isa sa mga kasama nya?"
"Huh?" kunot-noong tanong ni Maggie kay Saph. "What do you mean?"
"Maraming nahuhumaling dyan kay Ian nasa Boracay yan. Iilang araw pa lang sya nun dito, napakarami na nyang kakilala. Tuwing kinakausap ko nun, laging may sisingit na babaeng kakausapin o hihilahin sya," kwento ni Saph.
Grabe ka Saph, hindi naman. Si Ma-G, Christine, Jackie, Charlotte at Chloe lang naman ang mga nakilala nya nun. Hmmm... Marami nga.
"Kaibigan nya na agad?" tanong ni Maggie na may halong pagkagulat.
"Oo. Tila marami nang mga napag-usapan kung makapag-open ng topic yung mga babae eh," dagdag pa ni Saph.
Maggie looked concerned sa nasabi ni Saph.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...