Chapter 34

454 6 0
                                    

Nagulat si Maggie sa pagkakasabi ni Ian ng tanong nya pero hindi na lang nya yun pinansin.

"Konting mantsa lang 'to," sagot naman ni Aldrin sa tanong ni Brent at tiningnan ang mantsa sa pantalon nya.

"Maaga ata kayo? Ganito na ba kaaga matapos ang mga Stag parties?" tanong ni Maggie sa kanila. "Kumusta naman?"

"Gabi na Maggie, hindi kami maaga. Ngayon lang ba natapos ang trabaho mo?" balik-tanong ni Ian sa kanya sa hindi nya magandang tono. Halata namang naka-inom sila lahat at si Ian ang pinaka-lasing.

"Bro," sabi ni Hugo kay Ian na tinapik ang balikat nya para pakalmahin sya.

"At tinanong ka diba? Anong nangyari dyan?" matapang na ulit ni Ian sabay turo sa pants ni Aldrin.

"Oy Kuya Ian, umuwi ka na," sabi ni Brent na binubuksan na ang gate nila. Sumenyas sya kay Aldrin para humingi ng dispensa. Tumango tango naman si Aldrin.

"Ngayon ka lang magpapakita tas ganyan ka pa?" nasabi ni Maggie na halos paiyak na.

"O, let's calm down," sabi ni Hugo sa lahat.

"I better head," paalam ni Aldrin kay Maggie.

"Ano ngang nangyari?" pilit na tanong ni Ian.

Umirap si Maggie. "Sinusubuan ko sya-"

"What?" gulat na interrupt ni Ian.

"Sinusubuan ko sya ng burger!" mabilis na sabi ni Maggie. "Tapos natapunan sya."

"Can't he eat on his own?" asar na tanong ni Ian.

Napailing si Maggie na nasasaktan.

"Mauna na 'ko," malapit na bulong ni Aldrin sa tenga ni Maggie.

"Goodbye kiss? Bakit? Kayo na ba?" pansin ni Ian dun.

Sumakay na sa sasakyan si Aldrin at umalis agad. Hinila naman ni Brent si Maggie papasok ng property nila.

"I got this," hila naman ni Hugo kay Ian na pumapalag.

"Bro let go," sabi ni Ian kay Hugo. "I can stand."

"Yeah you can, but your words? They're outta control man," sabi ni Hugo. "Ano bang problema mo?"

"Hindi mo ba nakikita?!" tanong ni Ian.

"Alam ko, pero I know you can handle this better," sabi ni Hugo.

Sasagot sana si Ian pero napigilan nya ang sarili. On edge din si Hugo pero huminga sya ng malalim and then he seemed calmer. Natahimik sila saglit.

"You can't drive," sabi ni Hugo kay Ian na subsob na ang ulo sa hood ng sasakyan.

"I know. I'll sleep here in the car parked here," bulong ni Ian.

"Just crash then sa bahay nila Maggie."

"'Wag na. Nakakahiya. Dito na lang ako."

"Suit yourself. I'm going home," sabi ni Hugo at iniwan na si Ian.

Pumasok na si Ian sa sasakyan. Isinubsob nya ang mukha sa manibela, "I love you Maggie! I love you!!!" sigaw nya. "Why this much though? Why?!"

Maggie papasukin mo 'to si Ian. Hindi pwedeng dito lang 'to sa labas. Maggie?

Pinuntahan ko si Maggie at nasa kwarto sya ni Brent. "Ba't nga maaga kayo?"

Bumuntung-hininga si Brent. "Ate matulog ka na."

"Ba't ayaw mong sagutin? Ano ba yan stripper-related? Nanggulo ba si Ian? Anong nangyari?" pangungulit pa ni Maggie.

"Nasira tyan namin sa food okay? So if you have to know, we all had food poisoning," sabi ni Brent kay Maggie.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon