Kinabukasan maagang nagising si Maggie. Hindi sya nakatulog kaagad the night before dahil sa pag-iisip kina Ian at Ma-G pero maaga syang nagising siguro dahil din sa rason na yun. Kinausap nya agad ang Manager nya para makapag-resign.
"Eh bakit hindi na lang kita irefer sa Makati hotel natin?" sabi ni Lina pagkabasa ng resignation letter ni Maggie. "'Di mo kailangang mag-resign Maggie. Pwede kang ma-lateral transfer."
"Ganun po?" maligayang tanong ni Maggie. "Talaga po ba?"
"Last week may email ang HR. May opening for a Branding Executive sa Manila. I'm sure transferable naman ang experience mo dito dun. Mag-apply ka. If hindi ka makuha then opt for a Marketing role ulit," advise ni Lina.
"Sige po mam!" tuwang sabi ni Maggie.
Wow! Okay pala Mags! Nasa Manila ka na, pero trabaho mo pa rin ang dream job mo. Win-win.
"Buti naman at gusto mo pa ring mag-continue sa The Royal View. Sige, I'll make the recommendation email now. Naka-leave ka pa today diba?" tanong ni Lina sa kanya.
"Yes, till today na lang po yung vacation leave ko," sagot ni Maggie.
"Enjoy today and I will get back to you tomorrow about this. Pero if ever, kahit two days transfer and hand over na lang dito before you can go there okay na. Lalo na kung tanggap ka dun, baka kunin ka nila agad."
"Sige po. Thanks Mam, sobra," pasalamat ni Maggie.
"At buti naman uuwi ka na sa family mo," sabi ni Lina.
"Oo nga po eh. Excited na nga po ako," amin ni Maggie.
"Is it because of that guy? Yung kasama mo kagabi? Yung nag-check in dito sa'tin?" usisa ni Lina.
Si Mam tsismosa...
"Um," impit lang na naging reaksyon ni Maggie. Nahiya syang ngumiti.
"Hay naku sya nga," tumbok ni Lina. "Ngayon ko lang nakitang nagkakulay ang mukha mo Maggie. Mukha nang masaya ka. Makukuha ka na talaga sa Branding Exec na role."
"Mukha po ba 'kong hindi masaya nitong mga nakaraan?" tanong tuloy ni Maggie.
Tango ng tango si Lina na ikinatawa ni Maggie ng tuluyan. "Mula nung dumating ka dito actually. Busangot ka lang. We were real concerned about you. Buti yan o ngayon, nakakangiti ka na. Marunong ka palang ngumiti. Mas lalo mo pang ikinaganda."
"Naku salamat mam."
"Whatever makes you happy, or whoever, just continue to have that in your life. Makakaganda yun sa'yo, sa career at sa buhay mo in general. Dapat good vibes lang."
Tumango si Maggie. "Thanks po talaga Mam Lina. Sana po matanggap ako dun sa Manila."
"Sige ayusin ko na agad ang paglipat mo. I suggest mag-ayos ka na ng gamit mo. For sure makukuha ka sa Manila hotel natin."
Paglabas ni Maggie sa office ni Lina, nakatanggap sya ng tawag from Ian. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Maggie.
"Hello," sagot nya sa phone. "Good morning din... Breakfast? Sige... Nakausap ko na yung Manager ko. Hindi na 'ko mag-reresign... Oo, sige, let's just meet sa lobby okay?"
Pinuntahan ko si Ian na nag-aantay na ng elevator pababa.
"What did she mean she's not resigning? I thought uuwi na kami sa Manila? She can't stay here. I promised everyone I'd bring her back. Baka I'm not enough to make her go back to Manila? Maybe she doesn't like me?" mga tanong ni Ian sa hangin.
'Tol relax. Magpapatransfer sya sa Manila kaya hindi sya resigned. Pagpaliwanagin mo. Antay ka lang. Kalma.
Nakasakay na si Ian sa elevator na tulirong tuliro pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/36302969-288-k967868.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomantiekThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...