Chapter 26

538 9 2
                                    

Bakit naman? Kawawa naman si utol kung ganun.

Inayos ni Maggie ang sarili at naglakad na pabalik ng hotel. Hindi na sya umiiyak pero pareho ang hitsura nya nun nung bago dumating si Ian. Mabigat na ulit syang tingnan.

"Anong problema nyan?" tanong ni Lanie na nasa tabi ko na pala.

"Mahal nya daw si Ian," sabi ko.

"Hayyy," nasabi na lang ni Lanie. Umalis na rin sya.

"Ba't ba sulpot laho yung si ganda? Este si Lanie?"

Sinundan ko sya. "Lanie?"

"Yes?" sabi ni Lanie na nakahalukipkip sa harap nina Ian at Michelle. Naiwan sila sa pinaset-up ni Ian na dinner na para sana kay Maggie.

"Bakit andito ka?" naguguluhan kong tanong. "Eh they're my people."

"You're in for a shock Ficks. They're also my people," sabi ni Lanie.

"Ano?"

"Kapatid ko sa ama si Michelle. Yung sinabi ni Michelle na Lola kanina? Nalaman kong sya pala ang tumulak sa'kin kaya ako nahulog sa second floor ng mansion nila."

"Weh? Talaga? Yang ganda mong yan tinulak?"

"May gusto ka na sa'kin 'no?" turo sa'kin ni Lanie.

"Um..."

"Pero wait. Okay, kapatid ko pala 'tong malanding 'to," turo ni Lanie kay Michelle. "So? Ano ngayon? Francis, ano bang Unfinished Business ko?" buong pagtataka nyang tanong.

"Baka ako? Baka ang mahalin ako?" biro kong pwedeng true.

"Sumosobra na ang pagbibiro ah," sabi nya pero hindi naman galit.

"Joke lang. Bati tayo ganda. Uh pa'no mo ba nalaman na sister mo pala 'tong paasa na 'to?" sabi at turo ko kay Michelle.

"May galit tayo kay Michelle ano?" tawa ni Lanie. "Binura na kasi ako sa last will ng tatay ko dahil of course patay na 'ko. Wala ng Melanie, lahat Michelle na lang, na anak pala nya so kapatid ko sya. Ang masama pa nito Ficks? Hindi alam ni mommy."

"Ganun?"

"Yun nga! Kaya nga ako namatay, tinulak ako ng lola nito, para mapunta sa apo nya ang lahat. Parang teleserye, pero nagwagi ang mga masasama. Unfair."

"Sad ka ba?" tanong ko.

"Hindi 'no. Sarap kaya ng ganito, floating. Hindi pa nakakataba," kindat ni Lanie sa'kin.

Natawa ako sa sinabi nya.

"Pero syempre gusto ko nang mag-move on. Alam kong mas masaya sa susunod. Alam mo yun?"

"Don't I know it. Ako rin gustung-gusto ko na. Sana sabay tayo," I wished.

"So Ficks ano nga? Bakit? Bakit andito pa 'ko?" tanong nya.

"Malalaman din natin yan," sabi ko na lang sa kanya.

"Let's go out in Manila Ian okay?" sabi bigla ni Michelle kay Ian.

"Si Derek pala?" tanong ni Ian bilang sagot. Si Derek ang on, off boyfriend ni Michelle noon pa.

Noon ka pa pinapaasa nyan boy! 'Wag tanga! At 'tol may Maggie ka diba? Ano pa bang ginagawa mo dyan?

"Um," iwas at atras ni Michelle. "I don't want to- Let's not talk about- He's-," umiling si Michelle.

"Yes?" tanong ni Ian wanting for her to continue.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon