"Ano bang masakit ang ulo mo? Umiiwas ka lang 'no? Iwas Ian yan 'no?" hula at turo ni Therese sa mukha ko trying to find clues on my face na hindi naman talaga masakit ang ulo ko.
Inabangan at sinundo nya talaga 'ko sa loading / unloading area malapit sa kitaan namin para daw siguradong tumuloy ako sa usapan namin.
Gusto ko sanang hindi sumipot sa final meeting with the organizers of their wedding dahil kasama rin si Ian pero pinilit ako ni Therese. Ayokong kaharapin si Ian pagtapos ng pag-aaway namin dahil medyo mas may katwiran sya kaysa sa'kin.
"Hindi. Masakit talaga," patuloy ko ng idinahilan.
"'Wag kang mag-alala. Si Ian ang successful sa rason ngayon. Jet lagged daw sya at baka daw may lagnat pa kaya wala sya ngayon," pagbabalita nya. "Kayo talaga kakikita nyo pa lang kagabi, kararating nya lang kahapon, nag-away na agad kayo," sabi ni Therese.
"May lagnat daw?" tanong ko worried. Nilagnat sya sa nangyari kahapon?
"Naniwala ka naman? Tampururot lang yun!"
Siguro masama talaga ang loob nya. Eh kasi eh. His break from all the pain he's gone through was Michelle naked on his bed? The two of them doing it? Nakakainis naman talaga kasi to the moon and back! Nakakainis talaga!!! Hindi ako dalisay pero naiinis ako at hindi kasi mawala yung inis na yun para maging maayos kami. Mali ako sa maraming bagay tungkol dito pero naiinis ako!
"Huy! Tulala ka na naman. Nandito ka nga, present ka nga physically pero ganyan ka naman," sabi ni Therese. "Nakaka-tampo na kayo ni Ian ah. This is our wedding. At minsan lang 'to. Nung kasal nina George may mga issues na kayo, hanggang ngayon pa ba naman? Sana naman isantabi nyo muna yan para maging maayos naman kayong mga Maid of Honor at Best Man."
Ay sorry na. "Sorry Therese. Mag-aayos na," pangako ko.
"Bukas. Inaasahan ko kayong dalawa bukas, maaga at walang issues okay?"
"Got it!" sagot ko. "Ano na ngang meron bukas?"
"Hay naku ka talaga! Rehearsal dinner tomorrow night!" paalala ni Therese.
"Ay oo nga pala!" sabi ko as I remember our schedules. "We'll be there."
Kinuwento ko kay Ate lahat ng mga recent na nangyari pag-uwi ko. Damang-dama ni Ate ang kwento ko habang kumakain pa sya ng chips na parang radyonovela lang ang pinakikinggan.
"Hay naku Maggie, let go! Handa ka bang mawala si Ian dahil sa pride mo ha? Ikaw ang tumanggi sa pag-ibig nya nun Neng. Akala nya, hindi mo sya mahal! Eh nalungkot, ayun nakakita ng malungkot din. Hindi mo naman talaga issue yung virginity nya eh, ang issue mo, hindi ikaw ang naka-una sa kanya."
Hala! "Ate!"
"Bakit, hindi ba tama? Dun ka nag-sisisi!" pilit ni Ate.
"Hindi 'no!"
"Sige deny pa. Mali na kung mali ang trato mo sa ginawa nya pero bigyan mo naman ng second chance yung tao."
"Oo nga, oo nga. Second chance na kung second chance pero pa'no? Kaya nga sinabi ko sa'yo Ate eh kasi hindi ko alam pa'no 'to itatama lahat," amin ko.
"Puntahan mo na si Ian ngayon. Hiwalayan mo na ng tuluyan yung isa at gawin mo ng iyo yung nag-tatampo. Ganun lang kasimple yun," payo ni Ate.
"Galit eh," nguso ko.
"Eh ganun talaga," irap nya. "Dali na. Wala ng oras."
"Anong wala ng oras?" tanong ko.
"Wala. Hala go. Sabihin ko kina ma, may overnight kayo nila Therese. Go!" taboy sa'kin ni Ate.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...