"Ang saya ko kasi," sabi ni Ian.
"Ano?" tanong ni Maggie. Hindi ko alam kung narinig nya o hindi. Tinatry nyang bumangon mula sa pagkakadapa para linawin yung narinig nya kay Ian.
"Wala, matulog ka na nga lang," ngiti ni Ian. Ipinatong nya ang laptop sa likod ni Maggie para hindi na makabangon si Maggie.
"Aba!"
Tumawa si Ian. "Sige na, 'wag ka nang magalaw. Sleep na," masuyong sabi ni Ian.
Kumalma naman si Maggie sa pagkakadapa at sinubukang matulog. Tinanggal din ni Ian ang patong nya ng laptop sa likod ni Maggie.
Isinara nya ang laptop. Tiningnan nya ang mukha ni Maggie na nakaharap sa direksyon nya. Kinuha nya ang phone nya at pinicturan nya ang nakapikit na si Maggie.
Ano yan 'tol, new lock screen mo?
Tinitigan ni Ian ang mukha ni Maggie sa phone nya.
"Ian? Are you working?" tanong ni Maggie na nakapikit.
"No. I'm, I'm happy," sagot ni Ian.
"Me too," ngiti ni Maggie.
Nahiga si Ian sa tabi ni Maggie. Humarap sya sa kanya.
Dumilat si Maggie. Nagkatitigan sila. Pareho silang nangiti at pagkatapos ay tumawa.
"Lanie! Halika tingnan mo 'to oh!" sabi ko kay Lanie na nakita kong bumalik na sa line of vision ko.
"Anu yan?" lapit naman nya at tingin sa tinitingnan ko. "Awww... ang sweet nila."
"Sana maging sila na. Para makamove-on na 'ko," sabi ko.
"'Wag," sabi bigla ni Lanie.
"Huh?" naguluhan kong tanong.
"Wala. Uh sige alis muna 'ko," sabi ni Lanie.
Patuloy naman ang titigan nina Maggie at Ian. Pinag-aaralan nila ang mukha ng isa't isa. Tinitigan ni Ian ang labi ni Maggie kaya yun din ang ginawa ni Maggie kay Ian.
"I can't believe you're this close to me now," sabi ni Ian.
"I can't believe you're back," nasabi naman ni Maggie.
Palapit na ang mukha ni Ian kay Maggie...
Ayan naaa!!! Nararamdaman ko na ang pagkawala ko sa estado ko.
"Juice!!!" narinig nilang sigaw.
Naghiwalay tuloy sila at natawa dahil sa narinig. Naudlot ang naudlot.
Bumalik ako sa dati. Nooo Saph! Inistorbo mo sila!
"O, kumusta ang trabaho?" tanong ni Saph kay Ian. "At ikaw, kumusta ang tulog?" tanong naman nya kay Maggie.
Isinubsob lang ni Maggie ang mukha sa hinihigaang kutson. Si Ian naman, nangusong natatawa.
"Oh bakit?" tanong ni Saph sa mga hindi sumasagot na kaibigan.
Hay naku Saph!
Nakatulog na nang tuluyan si Maggie sa kutson at nakapagtrabaho pa si Ian. Alas kwatro na ng mapansin ni Ian ang oras.
Lumabas si Ian at tinungo ang restaurant. Hinanap nya si Saph.
"Saph I have a favor to ask," sabi nya.
Maya-maya...
"Ano bang ginagawa natin dito? At saka nasaan si Ian?" tanong ni Maggie kay Saph.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...