"Cheers!!!" sigaw ng lahat.
Pagod ngunit masaya ang lahat pagka-set up namin ng tents at pagka-prepare namin ng food para kumain ng lunch. We raised our own versions of glasses / cups / mugs with water.
"To graduating!" sigaw ni Hugo na itinaas rin ang isa pang kamay na naka-kamao.
"To friendship!" dagdag naman ni Therese na malaki ang ngiti.
"To love," sabi naman ni George at pinuluputan ng braso ang baywang ni Louella.
"To the future!" mas malakas na sigaw ni Louella at hinalikan si George.
Nagtamaan ulit kami ng baso.
"Salamat talaga sa pagsama guys. I really appreciate it and I will miss you all," ngusong sabi ni Ian.
Inakbayan ko sya. "For sure we will miss you too. Sayang wala si Maggie," at nginitian ko syang makahulugan.
"Sayang nga. Kumpleto sana tayo," panghihinayang ni Therese.
"Dun pa rin ba mag-stay papa nya sa bahay nyo Ficks?" tanong ni Hugo.
"Hahanap din daw si tito ng matutuluyan na malapit sa kanila," sabi ko.
"Dapat sa'min na lang pumunta si tito," sabi ni George. Magkapatid ang mga papa nila George at Maggie.
"Baka nahihiya," hula ni Louella. "Kasi syempre dahil kamag-anak nyo magtatanong kayo George. E kanila Ficks sya lang ang tao."
"So si Maggie mag-stay sa Ilocos till when?" tanong ni Ian na nakayuko.
Nangiti ako dahil nakita ko ang bahagya nyang pamumula sa tanong nya.
"For sure bukas Ian andito na yun. For sure bago ka magpa-US magkikita kayo," sabi kong nakangiti.
"Oo 'no! Hatid namin kayo sa airport!" suggest ni Hugo.
"Oo!" sabi namin.
"Group hug!" sigaw ko. Nag-group hug.
Masaya ang naging kwentuhan after lunch. Marami rin kaming kinuhang mga litrato na magaganda ang background dahil ang gaganda ng views sa tuktok ng bundok.
"O wala munang mag-popost ng mga pics online ha. Hindi pa 'to alam ni Maggie. Sabihin ko muna sa kanya," paalala ko.
Alam naman ng lahat yun kaya tumango lang sila.
Palubog na ang araw ng tumabi sa'kin sa pagkakaupo si Ian sa pagtanaw sa magandang tanawin before us. Berdeng berde ang formation ng lupa at puno, malayo sa city na nakakarelax tingnan. They were also slightly illuminated by the light from the sun na mas lalong nagpaganda sa view.
"'Tol," bati ko sa pagtabi at pag-upo nya.
"Bro," bati rin nya. "Ang gandang pagmasdan ng sunset, parang walang problema."
"Wala naman talaga eh. Tayo lang ang namomroblema," sabi ko.
Tumahimik kami saglit.
Ilang beses syang bumuntung-hininga. "Pano bro kung hindi makayanan ni mommy yung gamutan sa States? Pumunta kami dun para sa wala," sabi ni Ian at naglaro ng damo sa paa. "Wala pa kayo pag nagkaganun. Alam mo naman si Daddy. Sometimes he can be hard to deal with. Si Mom na nga lang yung at least kakampi ko minsan."
"Well you guys are trying and that's what's important. Pag naging okay e di at least magaling na si tita," sabi ko at ngiti sa kanya.
"Sobrang worried si Dad for her kaya he's extra grumpy ngayon. Mom's just scared big time. Hindi nya alam if she's looking forward to her procedure on Friday sa US o kinatatakutan nya 'yung mismong araw. Sana nga maging okay," sambit nya pa sabay tingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...