"Ang galing Ficks!" sigaw ni Maggie. "I'm so happy for you!"
"Congrats Ficks," bati rin ng mama ni Maggie. "Sana ito rin si Maggie magkatrabaho kaagad agad."
"Salamat po. Syempre po magkaka-work po kaagad si Maggie. Magaling po yan. Matalino," bida ko sa girlfriend ko.
"Mahiyain naman," sabi ng mama nya.
"Makikita mo mama. Magkakawork kaagad ako. Tutulungan ako ni Ficks!"
"Oo naman," tango ko.
"Maggie hindi sa lahat ng oras andyan si Francis sa tabi mo. Aba ano nang gagawin mo pag nagtatrabaho na sya at ikaw eh wala pang trabaho. Hindi mo na sya pwedeng istorbohin sa trabaho nyan," sabi ng mama ni Maggie.
"Si Ficks pa, malakas ako dyan 'no. Makakagawa kami ng paraan," sabi ni Maggie na nakangiti sa'kin.
"Ngayon pa lang po mag-eemail na kami sa mga companies," assure ko sa mama nya. "Hopefully po sabay kaming mag-start."
"Sana nga Ficks. Naku, turuan mo na nga yang si Maggie pano maghanap ng trabaho baka mahuli pa ang lahat dyan. Spoiled talaga kasi sa'yo Francis ewan ko ba. Hindi makakilos ng wala ka," patuloy ng mama nya.
"Ma naman," tutol ni Maggie.
"Ay naku, eh totoo naman," dugtong ng mama nya.
Nag-apply kami ni Maggie online sa mga gusto nyang work. Kung tutuusin, ako yung nag-apply dahil ako ang nakaharap sa laptop at nakasampay lang sya na nakayakap sa'kin habang nilalaro ang dibdib ko. Kinailangan kong pigilin ang mapusok na nararamdaman ko sa ginagawa nya.
"Mags, huy wag ganyan," sabi ko. "Look, itong column na 'to ito yung mga companies na sinendan natin ng resume mo. Itong next column yung vacancies. Next is location. Huli yung link nung job ad. Pakita mo sa papa at sa mama mo. I-update mo 'to pag may feedback na. Maoorganize mo din ang interviews mo pag ginamit mo 'to."
"You're such a Developer. Pati job hunting ko inayos mo pa sa Excel," puna nya.
"Natural yan 'no," sabi ko. "Dapat may ganyan ka."
Umupo sya sa lap ko at pinulupot ang mga kamay nya sa leeg ko. Lumaki ang mga mata ko. "Maggie, bukas ang pinto ng kwarto mo ano ka ba? Baka dumaan mama o papa mo," bulong ko pero hindi ko maikakaila na gusto ko ang mga ginagawa at ang mga tingin nya.
Hinalikan nya ako na iba sa mga matatamis nyang halik. May gigil ang mga halik nya. "Maggie..."
"Ficks, alam mo anniversary gift ko?" bulong nya sa tenga ko.
"Omg Mags! Ikaw?!" gigil kong pigil na sagot.
Tumango sya.
Napakagat-labi ako. Sya rin napagaya. Hinalikan nya ulit ako. Kakaiba, may pagnanasa. "Patikim lang yan Ficks. There's a lot more pag nasa Boracay na tayo."
"Wow!!! Ang tagal naman nun!" sambit ko.
"Malapit na yun," bulong nya sa tenga ko. Kinilabutan naman ako. Hinaplos ko ang baywang nya.
Narinig namin ang parating na mga yabag paakyat. Napatayo ako bigla kaya nahulog si Maggie.
"Aray!" Reklamo nya.
Natawa ako pero tinulungan ko agad sya. "Sorry!"
"Anong nangyari?" pasok ng mama nya sa kwarto.
"Nauntog po si Maggie," palusot ko.
"Hay naku ang careless kasing bata," sabi ng mama nyang umiiling at umalis.
"Buti na lang," sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...