"Ficks!" tawag at kaway ni Maggie sa'kin pagkakita nya sa'kin sa Cafeteria ng Engineering Building. Dito kami nagkikita dahil gitna ito ng buildings namin sa school.
"Uy Mags!" I kissed her cheek. Natigilan sya at namula. Hindi pa rin sya nasasanay kahit one week na kaming ganon tuwing nagkikita.
Nine weeks na ang nakalilipas after Boracay when we met and fell in love. Buong summer kaming magkasama at niligawan ko rin ang family nya. Sinagot nya ako one week before school started.
"Ito na naman kayo, sobrang PDA na naman ah," sabi ni Ian na bestfriend ko. Wala pa rin syang girlfriend at intact pa rin ang virginity nya.
"Grabe ka talaga Ian. Hindi naman," sabi ni Mags at pinulupot ang braso nya sa baywang ko. Inakbayan ko sya.
"Mahal nya lang talaga ako," sabi ko. At kiniss ko si Mags sa ulo, "At mahal ko rin sya." Nangiti si Maggie ng maganda, yung maganda at matamis nyang ngiti.
"Ang cheesy cheesy! Nakakainis!" reklamo ni Ian.
"Hayaan mo na kasi sila Ian. Maghanap ka kasi ng sa'yo," sabi ni Hugo, ang isa pa naming kaibigan.
"Ang hirap kasing maghanap," sabi ni Ian.
"Christian, hindi kasi hinahanap yan, minsan andyan lang yan sa tabi-tabi," sabi ni Maggie.
"Ops pero hindi si Michelle ha. Niloloko ka lang non," sabi ko.
"Oo na, oo na, sila na rin ni Derek eh," sabi ni Ian.
"'Tamo 'tol! Move on na rin, sabi kasi namin sa'yo walang mabuting madudulot 'yang si Michelle eh," sabi ni Hugo.
May dumaang dalawang babaeng maganda at sexy. Tumayo agad si Christian at Hugo.
"Baka sila na 'tol yung para sa'tin, let's go," sabi ni Hugo na nakasunod ang tingin sa dalawang babae.
Nag-ayos si Ian ng sarili habang ready na si Hugo na sundan ang dalawang babae. Huminga pa ng malalim si Ian bago sumunod kay Hugo.
"Torpe talaga si Ian ano?" puna ni Maggie.
"Sobra," sabi kong pinapanood sila na natatawa.
"Pero gwapo naman sya, marami kayang nagkaka-crush sa kanya sa building namin," sabi ni Maggie.
"Hindi ka naman isa don?" taas kilay kong tanong.
"Hindi 'no!" deny nya. Pero mukhang kilala nya na talaga si Ian bago pa 'ko lumapit sa kanya sa Boracay. "Mas gwapo ka kaya, you just don't see it."
"Wow, ako pa ang binola mo ha," I hugged her from her side at nang-gigil.
Natawa sya.
Wala na kaming class pareho kaya sinamahan ko na lang syang magsulat sa coffee shop sa labas.
Maggie loved writing love stories and she's very good at it.
"Ficks, makakapag-travel kaya tayo 'pag grumaduate na tayo?" she asked.
"Oo naman, san mo gusto? Pag-iipunan natin yan," sabi ko.
"May mga places pa 'kong hindi napupuntahan dito sa Pilipinas. And of course I want to travel outside the Philippines na hindi pera ng parents ko alam mo yun?"
"Where? Just tell me, paghahandaan natin yan," seryoso ang tingin nya sa kawalan at alam kong gusto kong tuparin ang lahat ng mga gusto nya.
"Sa Turkey, sa Siem Reap, sa French town sa Hanoi. Gusto ko off the beaten track," sabi nya.
"No worries. Mag-aral lang muna tayo and we'll get there," assure ko sa kanya pero naka-mental note na sa'kin ang mga lugar na nabanggit nya. Isa sa mga yun ang pag-iipunan ko para yun ang gift ko sa kanya after graduation namin.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...