"Um Brent?" sabi ni Ian sa phone. "Nililigawan ko na ata Ate mo!"
Hahahaha!!!
"Oo ata! She said yes, she wants to! Pumayag sya!" tuwang-tuwang kwento ni Ian. "O tama na tawa. What am I going to do now? Shall I buy her flowers now? Chocolates? Teddy bears? Oh my God we have lunch later after her interview!"
Nataranta si Ian. He even felt his forehead na para bang lalagnatin.
"I need to go Brent," sabi ni Ian. "Don't tell anyone yet. Kakausapin ko pa parents nyo. Bye!"
Mabilis na umalis si Ian sa parking lot ng hotel.
Pinaharurot nya ang sasakyan paalis dun.
Whoa. Nagmamadali ka naman ata 'tol bumili ng flowers, chocolates and teddy bears.
Napansin kong nalampasan nya na ang akala kong pupuntahan nya. Teka, san ka pupunta? Nalampasan mo na yung mall.
Mabilis na mabilis syang nagmaneho. Ahhh. Ikaw naman o.
"'Tol. Musta?" tanong nya sa lapida ko. Pumunta sya sa sementeryo kung saan ako naka-lagak.
'Eto, bagal na bagal sa'yo pagdating kay Maggie. Sya pa ang umoo sa'yo kahit hindi ka nagtanong directly.
"Diretsuhin na kita 'tol. Gusto ko kasi sanang mag-paalam sa'yo... Gusto ko sanang subukang ligawan si Maggie... Sana okay lang sa'yo," upo nya sa damuhan katapat ng lapida ko.
'Tol okay na okay lang.
"Sobrang miss na miss ka na namin. Parang hindi ka nga nawala eh. Feeling ko babalik ka pa," sabi ni Ian.
Dyan tayo may problema Ian eh. Hindi na 'ko babalik. Tanggapin mo na.
"Yung tambay natin, yung ganun? Sana mangyari ulit yun. Yung beer talks natin 'tol? Miss na miss ko na yun. Unfair sa'kin na wala na tayo nun, na hindi na mangyayari."
'Tol...
Tumulo na ang luha nya pero diretso pa rin ang salita nya. "Pero parang I can't have Maggie if I am still holding on to the thought of you? Alam mo ba yung feeling? Para kasing 'pag naging kami, hindi na kita isinaalang-alang. Parang binalewala kita."
Hindi 'tol. Hindi ganun.
"Kung babalik ka, na alam kong hindi naman mangyayari, syempre she should be waiting for you. And I shouldn't be with her. It's hard to reconcile those Ficks. 'Pag sya naman, na mahal na mahal ko na, 'pag sya yung pinili kong buhusan ng ako, parang 'di na kita inisip. Ikaw naman talaga kasi ang boyfriend nya. Para kasing ginagago kita. Namatay ka lang, kinuha ko na sya," sabi ni Ian.
'Tol... Hindi.
"Sana nawala na lang yung katawan mo para may pag-asa akong babalik ka pa. Sa dagat ganun, alam mo yun? Sana hindi kami sigurado kung wala ka na talaga para makabalik ka pa. Parang yung sa Pearl Harbor na movie. Kasi kung ganun Ficks, hindi ko liligawan si Maggie. Babalik ka eh. Kaya lang... nakita kita. Nakita kitang nawala. At ansakit nun."
'Tol tama na. Eh ganun eh. Wala yun. Kaya sana okay na rin kayo dun.
"'Di ko pa rin matanggap na nawala ka. Dapat kasi tatanda tayo 'tol. Golf, jamming, basketball. Yung trips with our own families when we're forty... Tsk... Ang gago ko kasi..."
Nandito lang naman ako. I'm watching over you guys. At kahit siguro I've passed on, I will still be looking after you.
"Dahil dun nahihirapan akong mahalin sya kasi ako yung dahilan ng pagkawala mo, ikaw na bestfriend ko na original nyang mahal. Parang hindi ko mapupunan kahit kailan yung pagmamahal na yun kasi ikaw yan eh. Ikaw si Ficks. The best ka eh."
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...