"Magpaliwanag ka Mahal, bakit Honey?" nanginginig na tanong ni Ian.
Mabilis dumaloy ang mga luha kong hindi ko na napansing namuo sa mga mata ko kaagad. Dama mong masakit at masama ang loob ni Ian. Hearing his voice like that was also a reason why I was crying. I wanted to take away his pain and I knew that I can but I was also hurt, and it was because of him kaya alam kong hindi ko magagawang mag-bigay ngayon. Iba na 'ko. Ibang Maggie na 'to at ang Maggie na 'to iba na ang gusto. Gusto ko nang maging masaya.
"Mahaall... Bakeet?" May nginig ang boses ni Ian. Umiiyak o humahagulgol sya.
Nagtalo ang damdamin ko dahil gusto ko syang aluin, yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya pero yun ang problema, hindi sya dapat mahalin – dahil may iba sya at niloko nya 'ko at nag-sinungaling sya sa'kin.
"Tama na Ian. Tama na," matigas kong simula. Hindi ako nakapag-patuloy dahil ayokong marinig nyang umiiyak ako. "Tapos na tayo."
"Ha? Hindi! Ikaw ang may kasalanan sa'kin, ganyan ka pa. Ikaw na nga ang hindi nag-hatid sa'kin sa airport," sabi nya.
Ang cute na may kaunting tampo pa sya tungkol sa bagay na yun pero hindi ko pinatulan yun.
Suminghot sya ng ilang beses. "Kayo na ba ni Aldrin ha? Ha? Mahal naman! Akala ko, akala ko mahal mo 'ko?!"
Nadurog ang puso ko sa boses nya. I wanted to tell him na okay na, sige na, bati na kami, mahal ko naman talaga sya para 'wag na syang umiyak but it was not the time to be soft.
"I know about Michelle," sabi ko.
"What?! Sorry!" sigaw nya agad sa phone.
Hindi lang sya guilty sa kaibahan na ng iyak nya. He was expecting it. He knew that I may have known.
"Sorry Mahal! Sorry!" natataranta nyang sabi sa phone.
So totoo talaga. Sa kanya na nanggaling.
"I was going to tell you! Diba? I was supposed to! Mahal! Mahal please listen to me!" apila nya.
"Ian, let's stop. Please. I'm over this. I love Aldrin now. I'm... siguro I'm sorry na lang," sabi ko and put the phone down on Ian.
I cried that night. I knew tatanghaliin ako ng gising if I don't sleep right away so I took my allergy medication that makes me sleep so I eventually did. I wanted to not be available when Ian calls again.
The next day, everyone was busy for the beach trip. I didn't want to bother anyone with Ian's call from the night before kaya hindi ko na lang ikinuwento kahit kanino.
Maganda na wala kaming lahat dito 'pag tumawag ulit si Ian.
Pero hindi ako mapakali. Kahit inamin ni Ian kagabi ang tungkol sa kanila ni Michelle, di ko magawang hindi mag-isip tungkol doon. Bakit iba na ang kasama ni Michelle nung Thursday ng gabi?
Tiningnan ko ang Facebook page ni Michelle at muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang nakita ko si Michelle, scantily clad in her bikini with her friends at Ian's pool. It's true. Ano pa ba ang gusto mong proof? Inamin na nga. Let him go ano ba?!
"Maggie, ang bagal mo na namang mag-kikikilos. Birthday ng boyfriend mo ano ba?" puna sa'kin ni mama.
"Nasa gate na daw sila ng subdivision sabi ni Cee!" sigaw ni Brent sa lahat. "Pa, dun na kayo sa sasakyan nyo dali! Assemble na," pag-mamadali nya sa lahat.
"Ito na, ito na," sabi naman ni papa na ikinakarga na ang mga bags nila sa sasakyan.
"Maggie kasya pa ba kami ni Ivan kay Aldrin? Ayaw namin kina mama, marami silang tanong nyan sa'min for sure," reklamong bulong ni Ate Isabel sa'kin na narinig ni Brent.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...