Tiningnan ko lang si Ian.
"Pasensya na 'tol! Galit ka na 'no?" pag-aalala ni Ian. "Hala!"
Natawa ako. "P're okay lang. At least alam ko 'pag nawala ako may magmamahal kay Maggie. Yung the best pa sa the best na bestfriend ko," ngumiti ako.
"Wag ka ngang ganyan! Ako nga yung mawawala o. At saka dahil nga sa aalis ako kaya naging honest na rin ako sa'yo, ayoko kasing itago indefinitely," sabi nya. "Pero wala yun crush lang yun. Nag-move on nga ako kay Michelle pero kay Maggie naman, hehe."
"P're mamimiss kita," sabi ko.
"Same here p're," sabi nya. "Biro mo bata pa lang tayo magkasama na tayo... tas eto magmamigrate nga lang kami sa US. Pero stumble lang naman 'to sa friendship, magkikita pa rin naman tayo."
Tumango lang ako.
"Tara! Yun lang gusto kong sabihin," sabi nya. "Balik na tayo sa kanila."
"Pero p're, if ever, take care of Maggie ah," sabi ko.
"Oo naman. Para sa'yo," akbay nya sa'kin.
Bumalik na kami sa tea house.
"Cheers! To friendship!" sabi ni George.
"Cheers!" Itinaas naming lahat ang tsaa at milk tea namin.
Maaga akong pumunta kina Maggie kinabukasan dahil sa scheduled jogging namin sa village nila. Tumigil kami sa playground around seven am dahil halos isang oras na rin kaming walang tigil sa pagtakbo.
May kinuha sya sa bag nya, "Surprise!" Bakas sa mukha nya ang saya at excitement.
Kinuha ko ang parihabang kahon mula sa kanya. "O ano 'to?" tanong kong malaki ang ngiti, itinataas ang salamin ko, ng mabasa ko ang card na nakadikit doon. 'To my Ficks! I love you! Congratulations!'
"Graduation gift ko sa'yo yan!" tuwang-tuwa nyang sambit habang pinupunasan naman ang salamin nya dahil napawisan rin sa pagtakbo namin. "Di na 'ko makapag-intay eh. Dapat sa graduation pa natin ko yan ibibigay pero excited na excited na ako eh," patuloy nya at tumabi sa'kin.
Binuksan ko ang box. "Tickets to Boracay!" sigaw ko at niyakap sya at hinalikan sa pisngi.
"Yes, that's where we started eh. And this time, gusto ko ako naman ang kakanta ng song for you," ngumiti sya. "And besides di 'ko pa afford ang out of the country trip."
Naalala ko ang surprise ko sa kanya. "When's this?" tanong ko at tiningnan ang ticket. Baka bumangga sa Cambodia namin...
"Week after next," sabi nya na nakita ko rin. "Dapat sa mismong araw ng second year anniversary natin kaya lang hindi piso fare eh."
"This is perfect Maggie. I love it! Thanks. And I love you," sabi ko and kissed her again on the cheek.
Pumikit sya.
"Bakit ka laging pumipikit 'pag hinahalikan kita kahit sa cheeks lang o sa noo?" tanong ko.
"Because I want to remember it."
"You can kiss me anytime you want naman," kunot noo kong sabi na nakangiti.
"But each kiss is precious and unique," malalim ang tingin nya sa mga mata ko habang nakangiti.
I can see love through her big dark brown eyes. Yes, love can be seen. It's in her eyes.
"Then this is the 'I love you Maggie thank you' kiss," and kissed her on her forehead. She closed her eyes as my kiss landed and stayed.
Natawa sya. "You are welcome," and kissed me back on my forehead.
"Incoming is the kiss that'll say, 'I'm so excited Maggie sa Boracay trip'," sabi ko and kissed her again this time on the tip of her nose, pumikit ulit sya.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomansaThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...