Pagdating ko sa airport malungkot na nasa mga upuan sina Hugo, Therese at George.
"Huy! Anong nangyari sa'yo?!" yakap sa'kin ni Therese pagkasalubong sa'kin.
"Si Ian?" tanong kong humahangos.
"Nakaalis na," sagot ni Hugo.
What? No. Hindi ko na sya naabutan?
"Si Louella?" hanap ni George kay Ate Louella.
"Uh nabangga kasi kami. Nagpa-check lang sya. Nasa Medical City sya," sagot ko.
"Ha? Anong nangyari sa inyo?" tanong ni George.
Nag-iba na ang reaksyon nila nang nalaman ang nangyari. Nung una, they were disappointed that I didn't make it, then after knowing what happened they got concerned.
"Hindi naman grabe, yung likod lang nung sasakyan. Naiwan nga lang yung sasakyan sa clinic malapit sa Medical City. Nalimutan ko na yung pangalan. Anong sabi ni Ian?" kwento at sunod kong tanong.
"Medyo disappointed sya. Umiiyak nga," sabi ni Hugo. "Magpaliwanag ka na lang pag nasa ere na sya. Nasaan ba yung phone mo? Kanina pa kami tumatawag sa'yo."
"Akala nya kinalimutan mo na sya," iling ni Therese.
"Huh? Hindi! Naiwan ko kasi yung phone ko. Pero tumawag ako ah. Nagriring lang yung phone nya tas nagtext ako," habol ko. "Yung phone kasi ni Ate Louella wala ng battery, wala naman syang charger."
"Hayaan mo na. Mag-explain ka na lang. Tumawag ka na lang 'pag pwede na syang mag-phone," sabi ni Hugo.
"Sige. Pero sinubukan ko talagang maka-abot. Inabot din kasi ako ng traffic," sabi ko.
"Nalungkot lang naman sya pero habulin mo na lang ng paliwanag mamaya," sabi ni Kuya George. "Pero si Louella okay naman?"
"Puntahan mo na lang sya Kuya George," sabi ko naman. Gusto kong malaman ni Kuya George ang kalagayan ni Ate Louella pero nirerespeto kong gustong sabihin ni Ate Louella yung insidente na yun at kalagayan nya herself.
"Wala pala kami the whole two weeks Maggie. Ilang oras from now punta kaming Hongkong, for work and pleasure," paliwanag ni Hugo.
"Ah kaya pala may gamit kayo," pansin ko sa mga bags nilang dala.
"Uuwian kita ng egg tart," sabi ni Therese sa'kin na niyakap ako para mag-paalam.
"Sabay ka na sa'kin?" tanong ni Kuya George.
"O sige, enjoy kayo ah," paalam ko kina Hugo at Therese. Nagkapaalaman na kaming lahat. Sumama na 'ko kay Kuya George palabas ng airport.
"Kumusta na kaya si Louella? Ano bang nangyari?" Nagmamaneho na papunta ng hospital si Kuya George. "Pa'no kayo nabangga? Napano sya? Ba't ikaw parang okay naman?"
Ipapaalam ko ba sa kanya? Biglang nag-ring ang phone nya.
"Hello Brent?" sabi ni Kuya George out loud.
"Kuya George si Ate kasama mo? Request ng boss nyang pumunta sya agad sa hotel," sabi ni Brent. Naka-loudspeaker sya dahil nakakabit ang phone sa sasakyan.
"Oo Brent. Sige pupunta ko," sabi ko kay Brent.
Ibinaba ako ni Kuya George kung saan makakasakay ako papunta ng hotel. I was glad I wouldn't be with him 'pag naka-usap na nya si Ate Louella dahil hindi ko rin alam kung pa'no ko sasagutin ang dumarami nyang tanong sa nangyari at kung bakit naiwan si Ate sa ospital at ako, okay lang.
Inaabangan ako ni Mam Carmela sa entrance ng hotel. Tuwang-tuwa sya nang nakita ako. Nababagabag daw sya na naiwan ko ang phone ko kaya inabangan nya na daw talaga ako.
Marami syang pinacheck sa'kin dahil kinabukasan, Lunes, may final presentation pa kami, mga revisions na suggested sa'min nung nag-present kami sa Ilocos.
Nagpaalam na talaga akong umuwi dahil hindi ko nga dala ang phone ko at baka nakakatawag na si Ian pero hindi ko pa rin nasasagot. Bago ako lumabas ng hotel, nag-CR muna 'ko sa employee's CR.
Nakaramdam ako ng sakit ng tyan na hindi sigurado, kaya napatagal ako ng upo.
"Ang init 'no?" dinig kong sabi ng isang babaeng pumasok sa kasama nya.
Walang boses na sumagot.
"Huy! Kako ang init," ulit nung naunang babae.
"Ay sorry," sabi lang nung isa. Familiar yung boses na yun.
"Ba't tulala ka?" tanong nung nauna.
"Wala. Dapat kasi meron na 'kong dalaw ngayon," sabi nung kausap nya.
"Buntis ka? Wow! Kay Ian 'no?" sabi nung nauna.
Ian?
Pilit kong sinilip kung sino ang mga nag-uusap. Masama kasi ang kutob ko.
"Hindi naman siguro," tanggi nung babae.
"Minaya't maya nyo naman kasi," sabi nung naunang babae.
Lumakas ang dagundong ng puso ko. Maya't maya?
Hindi si Ian yun. Wala pang experience si Ian.
At mahal nya 'ko. Hindi nya magagawa yun sa iba.
"Eh ako nga kasi ang una nya kaya nawili. Pero hindi naman siguro."
Hindi. Hindi yan.
"Hay naku Michelle-"
Bumagsak ang coin purse ko sa narinig. Si Michelle? Si Michelle yun? May nangyari sa kanila ni Ian? At maraming beses pa? Hindi. May mali. I know na may mali.
"Hindi naman. Baka next week pa 'ko," tanggi ni Michelle. Boses nya nga yun.
"Okay ka na dun. Gwapo, mayaman, ang gara pa ng bahay. Mag-pool party tayo ulit sa kanila pagbalik nya ah," sabi nung babae.
Pool party? Sa kanila? Kina Ian?
Hindi sumagot si Michelle.
"O ngayon flight ng boyfriend mo diba? Hindi mo hinatid?" tanong kay Michelle.
Boyfriend? Si Ian?
"May work eh, alam mo na," sabi ni Michelle. "Tara na, over break na naman tayo o."
Umalis na sila nang CR pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko. Matagal na silang umalis pero nandun pa rin ako sa cubicle umiiyak sa narinig.
Maaaring mahal nya 'ko pero itinago nyang may girlfriend na pala sya! At may nangyari na sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomansaThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...