Chapter 19

494 10 1
                                    

Hindi mapakali si Ian. Palakad-lakad sya at hindi nya mapigilan ang pag-ngiti.

"Huy, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Jackie sa kanya.

May gigil na sinabi ni Ian kay Jackie, "Ang ganda ganda nya na," bulong nya kay Jackie.

Napangiti si Jackie. "Pero ang sungit, sungit naman, pero wag kang mag-alala, gagawan natin ng paraan yan," sabi ni Jackie.

"And to think ha, she's just in the next room! I just saw her Jackie! She just looked at me earlier!" sabi ni Ian na tila kinikilig. "We were miles apart, ngayon, she's just in the next room! Tsk, kaya lang, boyfriend nya na pala yung si Eldrick."

"No, she likes you. Alam ko na yan 'no. I have pretty guy cousins and I can tell if girls like them kahit nagsusungit pa sila," assure ni Jackie sa kanya. "C'mon let's make her jealous."

Hinila ni Jackie si Ian pero kinabig nya si Jackie pabalik. Napahawak si Jackie sa dibdib ni Ian para suportahan ang sarili. Iyon naman ang saktong nakita ni Maggie nang tatawagin sana nya sina Ian para magmeryenda. Ikinasimangot ni Maggie ang akala nyang pag-yakap nilang dalawa.

Uyyy... Si Maggie, selos!

Hindi naman napansin nina Ian at Jackie si Maggie na nakita pala ang nangyari.

"Bakit?" tanong ni Jackie kay Ian sa biglaang kabig ni Ian sa kanya. "Don't you want to test my theory that she likes you?"

"Anong gagawin natin don kaharap nila?" di sigurado at may takot na tanong ni Ian. "Pa'no kung mahalata nyang crush ko sya?"

Umirap si Jackie. "Eh tameme ka naman eh, pa'no nya malalaman?" sabi ni Jackie. "Come on, let's make her jealous. Baka at the end of the day, sya na mismo ang magtapat sa'yo."

"What would I say to her?" tanong ni Ian.

"Eh syempre, kadarating mo lang, so dapat magkwento ka about what happened to you in the US. Ano ka ba? And of course, kumustahin mo sya," payo ni Jackie.

"Okay, I think I could do that," may kumpyansa nyang sabi na binawi nya agad, "Could I?" ngiting hindi sigurado ni Ian.

Naku... Patay na! Inatake na ng katorpehan!

"Nakakatawa ka Ian. Halika na, sasalo ako pag speechless ka na," hila sa kanya ni Jackie.

They went to the next room and they saw them sitting sa dining table sa open dining hall overlooking the open space outside.

"Oh, ayan na pala silang mga tinawag mo," sabi ni Eldrick kay Maggie.

Ikinakunot ng noo ni Jackie ang sinabi ni Eldrick. "Hi again. Sorry for barging in like this ha," sabi ni Jackie na naka-angkla sa namumulang si Ian na hindi halos matingnan si Maggie. "Ian just really wanted to talk to his old friend Maggie here. Sana we're not ruining your vacation?"

"No, no, no, it's a welcome surprise," sabi ni Eldrick. "Of course, Maggie's friends are welcome."

"Oh, no. I'm not Maggie's friend. I just know Ian," iling at paliwanag ni Jackie.

"Of course, girlfriend ka nga pala ni Ian," sabi ni Eldrick.

"Well, we date yes," sabi ni Jackie. "How about we give them time to talk Eldrick? Can you show me around here?"

Ito na!!! Mag-uusap na si best friend at ex ko! Woohoo!

Ikinagulat ni Maggie at ni Ian ang sinabi ni Jackie pero hindi sila nakapag-react para tumutol.

"Sure," sabi ni Eldrick. Tumayo sya and carried refreshments for him and for Jackie. Nagpaalam sila kina Maggie at Ian.

Nakaupo si Maggie sa kabisera. Umupo si Ian sa upuan sa kanan ni Maggie.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon