“Ficks! Dean’s lister ako!!!” sigaw ni Maggie sa’kin habang patakbong palapit. Niyakap nya ako. “Makakasama na tayo sa weekend sa La Union!”
“Congratulations Mags!” hinalikan ko ang ulo nya at mahigpit syang niyakap. Tiningnan ko sya, “Pero Mags hindi pa rin, kasi hindi ganon yun, I promised your parents di tayo maglalakwatsa this school year, you know that diba?”
“Kahit nasa DL ako?” sabi nyang naka-pout na parang bata. Nangiti ako.
“Mags, hindi pupwede eh. I promised your parents,” sabi ko, inakbayan ko sya at naglakad na kami.
“Tatanga na lang tayo ulit sa bahay? Board games? Movies ulit?” tanong nya at tumingala sa’kin.
“Oo,” ngiti ko.
“Okay lang,” sabi nya at humigpit ang yakap sa’kin. “Kasama naman kita eh.”
“Talaga? Okay lang?” pilit ko syang tinitingnan, nakasubsob kasi ang mukha nya sa dibdib ko. “Hindi ka naiinggit kay Therese at Hugo na hottest and most travelled couple of the year na?”
Kinurot nya ako sa tyan, “San mo narinig yun?”
Natawa ako, “Diba sabi mo kay Therese, sila na ang hottest and most travelled couple of the year at hindi na tayo?” nagpatuloy ako sa pagtawa. Narinig ko kasi ang usapan at biruan nilang yun, nung nag-uusap sila ng bestfriend nyang si Therese.
Kiniliti nya ako kaya napapaigtad ako. “Joke lang yun, sila Ate Louella at Kuya George naman talaga yun. Sila yung nagsimula non, nung bansag na yun.”
“Magiging ganon din tayo Mags,” pangako ko sa kanya. “Don’t worry kukumpetensya tayo sa kanila.”
“South East Asia muna tas buong Asia tas Middle East tas Europe tas South America tas America?” tanong nya with glee, her beautiful eyes sparkling.
“O nalimot mo ang moon,” sabi ko at hinalikan sya sa noo. “Pati ang mars.”
Tumalon talon sya at niyakap ako. Humiwalay sya, “Sabi nga ni Sarah G kay John Lloyd, power hug!” At niyakap nya ako using her power hug.
“Isang school year lang tayo magpapahinga, tutal naman last na natin ‘to. After nito, hindi tayo titigil kakagala hanggang sa tumanda na tayo,” sabi ko.
“Sinabi mo yan Ficks ha!” sabi nya.
“Oo, halika na sa inyo,” yaya ko sa kanya.
Pagdating namin sa bahay nila, tahimik, wala ang mga magulang nya o ate o bunso nyang kapatid.
“Asan sila?” tanong ni Mags. Tiningnan nya ang cellphone nya. “Ah birthday nga pala nung pinsan ko.”
“Bat di ka sinama?” tanong ko.
“Susunod tayo dapat dun,” sabi nyang nakangisi. “Pero tinatamad na ‘ko.”
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...