Tapos na ang finals at alam na naming lahat na ga-graduate kami. Nakatapos na kami! Woohoo!
Humigit-kumulang isang linggo bago ang akyat namin sa Mt. Mabulot, alis ni Ian at ng buong pamilya nya papunta ng US, graduation namin, two years namin ni Maggie at bakasyon namin ni Maggie sa Cambodia, in that order.
"Bumili ng tent si Therese. Tinatago nya pa sa'kin. Aakyat na naman ata sila," sabi ni Maggie sa'kin.
"Mags-?" Sasabihin ko na sana sa kanya na kasama rin ako pero...
"Ficks! Pare!" sigaw ni Ian at inilayo ako kay Maggie. "Baka sumama si Michelle sa akyat natin!" bulong nyang sigaw. Niyugyog nya ako sa kilig at tuwa nya.
Nangunot ang noo ko. "Michelle? Andun ka pa rin?"
"Pampakilig lang. Sila pa rin naman ni Derek. Niyaya ko kasi sya, eh umoo naman! At hindi nya kasama si Derek!" excited nyang dagdag.
Lumingon ako at nakita kong nakahalukipkip si Maggie na nag-aantay sa'kin. "Hindi ko alam kung sasama ako Ian. Di ko maiiwan si Maggie. Di pa nga nya alam."
"'Tol naman. Ngayon kita kailangan! Matatameme ako kay Michelle kung wala ka. Kailangan ko ng moral support mo," sabi ni Ian. "I need the push."
"Eh akala ko ba pampakilig lang? Eh wala ka naman palang mahihita eeffort ka pa," kantyaw ko.
"Syempre kailangan ko pa ring magsalita Ficks. Baka wala akong masabi kay Michelle!" Tumalon pa sya sa excitement.
"Hindi naman ako ang bibig mo Ian. Pero oo na sige na," payag ko, confirm ko. "Last wingman duties bago ka mag-America."
"Dabest ka!" sabi nya sa'kin. Lumingon sya kay Maggie. "Dabest ang boyfriend mo Mags!!!" At tumakbo na palayo si Ian.
"Anong problema nun?" lapit ni Maggie sa'kin.
"Mags-" simula ko.
"Francis!!!" At hinila ako ni Therese palayo kay Maggie.
"O bakit?" tanong ko.
"Mags wait lang ah," sabi ni Therese kay Maggie at inangklahan nya ako palayo kay Maggie.
"Bakit Therese?" tanong ko.
"Hindi mo sasabihin kay Maggie. Damayan mo 'ko. Nakita nya ako kanina na may hawak na tent. Tinanong nya ako kung aakyat daw, nataranta ako, sabi ko hindi ko alam. At hindi ako kasama kung merong akyat," sabi ni Therese na guilty'ng guilty papikit-pikit. Halata mo ang takot kay Maggie.
"Ha?! Bakit mo sinabi yun?"
"Nataranta ako Ficks! Wag mong sabihin, damayan mo 'ko. Isurprise na lang natin sya pagbalik natin. Sige na Ficks. Bumawi na lang tayo. Damayan mo na 'ko. Pag nagalit sya suyuin na lang natin sya," pilit ni Therese.
"Magagalit sya sa'kin Therese. Di ko kaya yun," sabi ko at tinalikuran si Therese. Sasabihin ko na kay Maggie. Ngayon na!
"Ficks ma' men!" Sigaw naman ni Hugo na parating.
"No! Halika na Ficks! Wala ng hihila sa'yo," sabi ni Maggie at inangklahan ako. Hinila ako ni Hugo sa kaliwa, lumalaban ng hila si Maggie sa kanan. Parang tug-of-war.
Natatawa ako, "Ano ba kayo?!"
Natatawa na rin sila. Tumulong si Therese ng hila kay Hugo. Nakita kami ni Ian na bumalik at tinulungan nya si Maggie sa kanan.
"Stop!" sabi ko at nagpumiglas. Natumba sila at tumawa kami ng tumawa.
Inalalayan ni Ian si Maggie patayo at inalalayan ni Hugo si Therese.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...