Chapter 27

471 8 0
                                    

"Sinabi nya yun?" natanong ni Maggie na hindi naitago ang ngiti.

"Yuck, kinikilig ka ate?" turo ni Brent sa mukha ni Maggie.

Hinampas ni Maggie si Brent. "Lumayas ka nga dito! Kadarating ko lang pinagtitripan mo kagad ako," sabi ni Maggie habang hinahataw ng unan ang kapatid, patulak para palabasin sya ng kwarto nya.

"Uy hindi kita pinagtitripan. Pinapatanong nga nya," sabi ni Brent na tawa ng tawa. "Ang tatanda nyo na, ganito pa kayo? Hindi ka pa nya madiretso? Kailangan pang ipadaan sa'kin? At ikaw, hindi mo pa sya mapahagingan ate? Ano ba yan?!" buyo ni Brent sa kanya habang tawa ng tawa.

"Hala labas!" sabi ni Maggie na hampas ng hampas kay Brent at tinutulak sya palabas. "Ang dami mong side comments, may girlfriend ka ba?!"

"Marami nga," sabi ni Brent bago tuluyang maisara ni Maggie ang pinto.

Pagkasara ng pinto, tumalon ng tumalon si Maggie sa kilig. Sumayaw sayaw pa sya.

Pinaypayan nya ang sarili pagkatapos. Walang sound syang tumili.

"Ate, ate, naririnig ko ang mga talon mo dito sa labas sa excitement. Medyo nakakahiya ah. Anong sasabihin ko kay Kuya Ian? Nag-text na naman sya eh," katok ni Brent.

Binuksan ni Maggie ang pinto ng kwarto nya. "Tingin nga," sabi ni Maggie sabay agaw ng phone ni Brent.

"Ate!" agaw ulit ni Brent ng phone nya mula kay Maggie. "'Wag ganun, maraming sikreto 'tong phone ko."

"Niloloko mo 'ko 'no?" tanong ni Maggie.

"Hindi nga. Natatawa nga 'ko eh. Pinapatanong nga," nagseseryosong sabi ni Brent. "Grabe ate, daig pa kayo ng mga high school ngayon. Hindi ko kayo maintindihan! Nakapaka-primitive nyo."

"Ang dami mong puna!" irap ni Maggie na pilit inaagaw ang phone ni Brent.

Hindi naman yun binibigay ni Brent. "Ano nga ang sasabihin ko kay Kuya Ian?" tanong nya lang.

"Kami na lang ang mag-uusap. Hala sige layas," sabi ni Maggie at pinalabas ulit si Brent sa kwarto.

Nahiga si Maggie na nakangiti. Nagpigil pa sya ng tili. Niyakap nya ang mga unan nya na hinalik-halikan nya pa. "I love you Ian!" bulong nya. Kinilig sya pagkatapos.

Nakakatawa ka Mags.

Ibig sabihin hindi talaga si Maggie ang Unfinished Business ko. Hindi ang pag-let go nya sa'kin ang problema. Si Ian talaga.

Siguro.

Hinanap ko si Ian. Nasa kotse nya pala sya sa labas lang ng bahay nina Maggie. Kausap nya si Brent na kadarating lang.

"O anong sabi?" tanong agad ni Ian pagkasakay ni Brent sa sasakyan nya.

"Para kang tanga Kuya Ian. Ba't di ka na lang pumasok sa loob?" tanong ni Brent. "Andun si Ate gising pa."

"Dito na lang. Anong sabi nya?" pangungulit ni Ian.

"Para tayong mag-jowa na lihim na nagkikita dito sa sasakyan mo eh. Ba't kasi hindi na lang ikaw ang mag-tanong sa kanya directly?" payo ni Brent.

"Tinanong mo ba sya?" linaw ni Ian kay Brent.

"Oo."

"O anong sabi?"

"Pinalabas ako ng kwarto nya eh."

"Ha? Anong-? Anong ibig sabihin nun?"

"Ewan ko sa inyong dalawa. Kanina natatawa ako Kuya Ian pero ngayon? Takang-taka na 'ko. Ba't di mo sya madiretso? Ang tagal nyo ngang magkasama sa Boracay at Cebu. Hindi mo pa naisipang tanungin dun? Ikaw na kaya ang magtanong."

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon