Chapter 38

365 5 0
                                    

Umiyak ako ng umiyak nang gabing yun. Hindi rin naman nagparamdam si Ian that night hanggang Lunes, Martes, Miyerkules.

Maaaring nag-tatampo sya sa'kin dahil hindi ko sya nahatid kaya di pa rin sya nagpaparamdam pero hindi ko inasahan ang namagitan sa kanila ni Michelle!

Hindi ko matanggap na sila, na pinag-sabay nya kami, na pinatulan nya si Michelle, at na hindi nya sinabi!

Inulit-ulit pa nila yun ayon dun sa kausap ni Michelle! Pinag-kalat na ni Michelle sa hotel! Shet! Nakakainis! Nakakagago! Para sa'n pa yung mga pangako namin sa isa't isa? Para pala akong tangang umaasa na gagawin namin yun ng sabay at una namin, nakaranas na pala sya.

Kung sila, ano na kami? Ako ba yung kabit?

Tumawag sa'kin si Therese na nasa Hongkong pa rin nung Miyerkules ng gabi, three days after Ian left for US and after they left for HK. "Uy Mags. Ano nang nangyayari sa'yo?" tanong ni Therese.

"Uy kumusta? Kumusta Hongkong?" walang gana kong tanong. Alam ko kung bakit sya tumawag. Ayokong mag-sabi sa kanya ng kahit ano tungkol kay Ian dahil ayokong pag-usapan namin. 

Hindi nya 'ko pinansin. "Hindi ka pa tumatawag, hindi ka pa nakikipag-communicate kay Ian?" tanong nya.

Sabi na nga ba e.

Hindi ako sumagot. Ayokong pag-usapan ang tatlong araw ko nang iniiwasang isipin. Pasalamat nga ako't marami akong trabaho at kahit pa'no, distracted ako from the pain.

"Huy! Di ka nag-sasalita," sabi ni Therese.

"Bes, masakit ulo ko. Nasa work pa 'ko actually. Next time na lang ah," sabi ko at ibinaba ang tawag.

Ayoko ring malaman nila ang nangyari. Ayokong magkaroon sila ng masamang tingin kay Ian.

Nagtataka siguro si Ian, at sila, kung kinuwentuhan na sila ni Ian, kung bakit hindi pa 'ko nagpapaliwanag eh ako na nga yung hindi naka-abot sa hatid sa airport.

"Ate!" gulat sa'kin ni Brent.

Nahampas ko sya sa gulat. "'Wag ka ngang ganun!"

"Halika na. Dinner tayo," yaya nya.

Walang gana akong tumango habang nag-simula ng mag-ayos ayos ng gamit.

"Ate wag mo nang isipin si Ian. Hayaan mo na yun. Niloloko ka lang pala nun. Devastated din ako sa kanya at kung nandito lang yun sa Pilipinas nasuntok ko na yun pero hayaan mo na. At least bago pa lang, nalaman mo na," sabi ni Brent. Sa kanya ko lang sinabi ang nalaman ko. Hindi pwedeng hindi nya malaman ang mga pinagdaraanan ko dahil magkatabi lang ang kwarto namin at narinig nya ang pag-iyak ko nung linggo ng gabi nung nalaman ko ang tungkol kina Michelle at Ian.

Nung una, inisip pa naming hindi totoo pero mismong ang mga kaibigan pa ni Michelle ang nakapunta kina Ian at nasabi ring paulit-ulit nilang ginawa ang akala kong hindi nya pa nagagawa.

Naluha na naman ako dahil naalala ko yun.

"Tama na nga yan Ate," galit na sabi ni Brent. "Forget Ian. Tama na. Gago nga diba? Paulit-ulit ba tayo dito?"

"Oo na, oo na," tango ko lang kay Brent habang pababa na kami sa elevator ng hotel.

"Dapat sinabi nya sa'yo. At kung mahal ka nya, hindi nya dapat ginawa yun," sabi ni Brent. "Mahal ka pero he was in bed with someone else?"

Baka kasi akala nya nun hindi ko sya mahal?

"He's a jerk! I thought better of him. At pinag-sabay nya kayo? Yun yung nakakagago eh. If he was here, I'd beat his ass," dagdag ni Brent. "Buti kung he was just a nobody to us but he was family! At ginawa nya yun sa'yo?"

"Oo kakalimutan ko na pero 'wag mo nang i-bring up nang ganyan," suway ko naman kay Brent. Mas nauungkat kasi yung issue dahil sa pag-didiscuss nya ng nangyari.

"Okay, okay," sabi ni Brent. "Ate, Cee and Aldrin are downstairs. I think Ate, Aldrin really likes you. He keeps bugging me about you. If you speak to him directly baka mabawasan na phone calls ko. Mas madalas ata kaming mag-usap kaysa sa kapatid nya na girlfriend ko."

"Brent, not now. Alam mo naman diba?" sabi ko.

"But maybe this is what you need? Tama na heartaches, with Ficks and with Ian. Siguro it's time to really move on from anything complicated?" payo ni Brent na unsure.

Napalunok ako. Napabuntung-hininga. "I don't know."

"You and Ian have so much history. Baka maganda bago naman," dugtong nya.

Hindi ako makapag-salita. Mahal ko pa rin si Ian kaya nga nasasaktan pa rin ako pero I couldn't accept what happened.

"Just talk to Kuya Aldrin," Brent urged. "Anyway he's our ride tonight. Magdi-dinner tayong lahat ngayon."

"Okay, I'll just talk to him," payag ko emphasizing on 'just talk'.

We had dinner and it was really obvious Aldrin likes me. He was a real gentleman at masaya naman talaga syang kasama at masarap ring kausap.

"Ate ask Kuya Aldrin to be your plus one sa kasal nila Kuya George," sabi ni Brent sa'kin or utos ata.

No, no, no, no, no, no.

"Are you busy on Saturday?" tanong pa ni Brent kay Aldrin.

Hayup 'tong si Brent kung maka-hirit, biglaan. Ayoko ng aasikasuhin sa kasal. Gusto kong mag-mukmok sa reception, umiyak sa simbahan, ng may laya!

"No, not really busy. If Maggie would like that, I'm game," sabi ni Aldrin turning to me.

I didn't want to talaga but I was put into a corner. "Okay lang? Sige ikaw sana," sabi ko na lang para naman hindi sya mag-mukhang pinush sa'kin.

"Okay great. At sana okay rin sa inyo na kinabukasan nun we celebrate? Kasi birthday ko," sabi ni Aldrin.

"Tara! Beach tayo? Manlilibre ka na kuya?" sabi ni Cee.

Beach? No. Too many fvcking memories...

"Sige we can ask Tita to test out her new resort in Batangas. It's just a three-hour drive," sabi ni Aldrin sa'min.

"Tara! Ate diba sa Friday na last presentation nyo? So go na go ka kasi pahinga mo na yun!" nakakainis na lusaw ni Brent ng pwede ko sanang excuse: trabaho.

"Mukha namang si Brent ang nag-dedecide for me kaya, sige, okay ako that day and advance Happy Birthday," sabi ko kay Aldrin.

"Yun!" sabi ni Aldrin na natuwa.

"Yay! Beach!" sabi ni Cece.

Ngumiti na lang ako.

"Wait, picture tayo," sabi ni Brent. "Ate," tawag nya sa waitress, "kunan mo naman kami," request nya.

Nakunan kami ng picture na pinost agad ni Brent sa Instagram na naka-link sa Facebook nya.

Wala pang isang minuto naka-receive na 'ko ng tawag from Ian.


The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon