Chapter 32

408 9 0
                                    

"O Ate Mags first day mo bukas diba? Ba't gising ka pa?" tanong ni Brent kay Maggie. "One na ah. Mamaya na nga yun eh oh."

"Wala lang," iling lang ni Maggie. Matipid rin syang ngumiti.

"O nagkita ba kayo ni Kuya Ian kanina?" tanong ni Brent na sumalampak sa tabi nya sa couch.

Umiling si Maggie. "Busy siguro yun."

"Huh? Talaga?" sabi ni Brent na takang-taka. "Para sa'yo busy sya? Hindi 'no."

"Syempre aalis na sya eh," depensa ni Maggie para kay Ian.

"Naku ate hindi. Hahanapan ka nun ng oras. Weird 'tong hindi kayo nagkikita."

"Dapat ba hindi muna 'ko mag-start sa hotel? Paalis na nga si Ian tas sasabayan ko pa ng trabaho. Pwede ko namang i-postpone yung start ko hanggang sa makaalis sya diba?" sabi ni Maggie.

Nagulat si Brent sa kanya. "Seryoso ka ba ate?"

"Mali nga ba?"

Matindi ang iling ni Brent. "Ate trabaho yan. Alam naman nya siguro na importante yan."

Nag-fiddle ng thumbs si Maggie. "Sya nga pumunta sya dito sa Pilipinas at sinamahan nya ako sa kung saan saan."

"Desisyon nya yun."

"Am I unfair?" tanong ni Maggie.

"No ate. Bakit naman?" harap sa kanya ni Brent na hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng ate nya.

"Ang arte ko kasi dati. Baka kaya hindi na rin sya nagpapakita?" hula ni Maggie.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Nasaktan ka nun ate."

"Baka nasasaktan din sya ngayon?" hula ni Maggie.

Tumayo si Brent. "Matulog ka na. What you did, was for him," sabi ni Brent at hinalikan ang noo ng ate. "Sleep ka na."

Napangiti si Maggie. "Bakit ang awesome awesome mo na bro?" sabi ni Maggie.

"May girlfriend na kasi ako," ngiti ni Brent. "Ipapakilala ko sya sa'yo bukas. Susunduin ka namin sa hotel after work mo tas dinner tayo."

"Okay," payag ni Maggie. Nag-thumbs up pa sya.

Pumasok na si Brent sa kwarto nya.

"Sana hindi ako makasama. Sana dumating si Ian sa hotel at sunduin ako tas kami yung mag-dinner," bulong ni Maggie sa sarili at pumasok na sa sariling kwarto.

Nagmadali si Maggie kinabukasan dahil medyo na-late sya ng gising. Mabilis syang naligo at nagbihis.

Paglabas nya ng bahay, umasa syang may Ian na nag-hihintay pero bumaba ang mga balikat nya nang nakitang mahaba ang pila sa sakayan ng jeep, walang taxing tumitigil sa mga pumapara at wala talagang Ian.

Nag-tricycle sya para mag-bus sa di kalayuan mula sa kanila. Sumiksik sya sa bus para makarating sa hotel.

Isang minuto na lang at late na sya. Buti na lang nakita nya na agad ang taong rereportan nya.

"Sorry Miss Carmela. I was almost late. First day ko pa naman," sabi nya.

"It's fine," sabi naman ng boss nya. "Understandable naman dahil mine-measure mo pa siguro ang travel time. Just have allowance tomorrow okay? Para hindi ka ma-late."

Humihingal syang tumango.

"Proceed ka na sa training mo sa conference room," sabi sa kanya.

Tumango sya ulit.

Nag-CR sya bago pumunta sa conference hall. Naiyak sya pagkapasok sa isang cubicle.

Oh bakit Maggie?

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon