"Good evening Sir! You have a reservation na po?" masuyong bati at tanong ng receptionist ng The Royal View Hotel-Boracay kay Ian. Napasinghap pa si Emma, ang assigned receptionist that evening, sa ngiti ni Ian sa kanya.
Crush ka ata 'tol! Tinapik ko pa si Ian na of course di nya naman naramdaman.
Nag-ayos ng tayo at hitsura si Emma sa presensya ni Ian.
"Ah yes, under Christian Martin Verdera," sabi nya. Inabot nya rin ang credit card at passport nya for identification and verification purposes.
"Kayo lang po ba Sir?" hanap ng receptionist ng kasama nya at tumingin pa sa likod nya.
"Ah oo ako lang," tango at ngiti ni Ian.
Namula si Emma sa smile ulit ni Ian. Bahagya pang pinaypayan ang sarili. Napaawang rin ang bibig nya.
Ibang klase ka 'tol!
"So single? I mean, solo, ano po? Girlfriend ho ganyan? Bakit hindi nyo sinama?" hoping na tanong ni Emma na hindi makatingin kay Ian habang chinecheck ang booking details nya.
Tumawa ako ng tumawa hindi lang dahil sa epekto ni Ian sa mga babae at uneasiness ni Emma, pati kasi oblivious si Ian sa mga nagkaka-crush sa kanyang mga babae tulad ni Emma. Wala syang kapaki-pakiramdam na gwapong-gwapo na ang mga tao sa paligid nya sa kanya, lalo na ang mga girls.
"Ha? Wala pa kong girlfriend eh. Makikita ko pa lang sya dito sa Boracay," sabi ni Ian na namula naman at napayuko. Kabado syang luminga-linga sa paligid pagkatapos, may hinahanap. "Well, sana."
Akala ni Emma sya ang tinutukoy ni Ian o umasa syang posibleng sya ang maging girlfriend, kaya malaki ang naging ngiti nya at napanguso pa sa pagpipigil ng kilig.
Hahahahaha!!! Di ko 'to kaya!
"Um, Sir Chris, okay na po. Sama na lang po kayo sa kanya," kinikilig na patuloy ni Emma. Iniabot nya ang susi kay Ian at itinuro nya ang bellboy.
"Right this way sir," yaya ng bellboy na tinulungan sya sa malaki nyang bag.
Nang makasakay na sa elevator si Ian at ang bellboy, naghagikgikan at nagkurutan ang mga empleyado sa lobby sa kilig na nakawitness sa pagdating ni Ian. Kinantyawan din nila si Emma na kilig na kilig pa rin.
Sa elevator, kumukuha naman ng tyempo si Ian para tanungin ang bellboy tungkol kay Maggie at pawis na pawis sya sa kaba.
Wag kang aatakihin ng pagkamahiyain mo o pagkatorpe. Di pa yan si Maggie 'tol. Magtatanong ka lang tungkol kay Maggie.
"Boss, may, may ano, may kilala ka bang M-Maggie na, ano, na nagtatrabaho dito?" nanginginig nyang tanong sa bellboy.
Naku Ian ah. Hindi dapat ganyan 'pag kaharap mo na si Maggie.
"Ay bago lang po kasi ako dito eh. Ipagtatanong ko na lang po-" simula ng bellboy na hindi nya pinatapos.
"Ay hindi na wag na," bawi ni Ian. Nakahinga ng kaunti si Ian pero palinga-linga sya ng nakalabas na sila sa elevator. Sa third floor ang kwarto nya.
Kabado si bespren...
He heaved a sigh of relief nang nakapasok na sya sa kwarto. Hinarap nya ang sarili sa salamin.
"Ngayon ka pa ba dadagain? Ang layo ng pinanggalingan mo para manligaw tas ganyan ang kaba mo? Ano ba?!" frustrated nyang sabi sa sarili.
Tawa naman ako ng tawa. 'Tol relax...
After all this time, torpe pa rin ang kaibigan ko... Tsk, tsk, tsk... Wala pa nga, kabadong kabado na.
Napahiga sya sa kama. Naghabol sya ng hininga. Tila takot na takot sya.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomansaThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...