Chapter 46

534 9 0
                                    

"Huy ano, makikipag-balikan ka ba?" kulit ni Ate sa'kin.

"Ate, ano ba? Pwede bang kalma? Ako yung nasa relasyon. At hindi ko alam," sagot ko sa kanya dahil lutang talaga ako. Hindi ko alam ang totoo, ang dapat at isa pa, hindi ako sigurado sa mga nangyayari. Para akong damit na binabad, kinusot at ngayon pinapagpag.

Ang daming nag-tatalo sa'kin. When Aldrin broke up with me I felt freer but hurt. If it's true that he still loves me and really wants to stay with me, and there's no Janice in the picture, the hurt would go away. Pero it had been done. Nakipag-break na sya. Naisip ko nang pwede na kami ulit ni Ian and that's wrong.

"Huy Margaret! Hindi mo sya mahal!" pilit ni Ate.

"Ate, please, you're just here to listen. And I'm confused, I'm thinking."

"Kaya nga tinutulungan kitang mag-isip! At hindi mo sya mahal!"

"Don't say stuff like I don't love Aldrin, 'cause I do. At baka nandyan sya at pabalik, baka marinig ka nya at isipin nya pang hindi ko sya mahal. Mahal ko sya Ate."

"Ha? Ang gulo mo," sabi ni Ate.

"'Wag mong intindihin para hindi ka maguluhan. Aldrin and I have a relationship. Have or had, may kami. I chose that so that happened. We were partners at syempre masakit yung nangyayari sa'min ngayon pero, pero..."

"Babalikan mo sya 'no?"

"This was his decision. Breaking up with me was probably hard for him. I don't ever think about us breaking up kasi alam kong mahirap na gawin yun, umpisahan, pero he did. That must have been something torturing him for quite some time now," isip at sabi ko out loud.

"So hindi mo sya babalikan?"

"Ate please be quiet." I was confused at medyo nangungulit si Ate.

"Teka! Tatawagan ko lang ulit si Ivan!" sabi nya bigla at kinuha ulit ang phone nya.

"Go ahead Ate, take your time. Bakit ba kasi hindi mo na lang tawagan si Kuya Ivan dito, lumalabas ka pa?" sabi ko.

Hindi nya 'ko pinansin. Diretso na lang syang umalis.

Nag-text si Cee: Ate Maggie, please wait. Please. Just wait there.

Ang hirap ng ganito. Ang hirap ng magulo! Ng nasa gitna, ng hindi ka sigurado. Ano bang dapat?

"I'm back!" bukas ni Ate ng pinto. "May developments ba? Ano? Ano na? Babalikan mo ba? O hindi?"

Kumamot lang ako ng ulo.

"Bakit ba? Bakit? Why would you want to get back with him again? Convenience? Na kilala na natin ang pamilya nila? Would it be weird if sa family gatherings, dahil halimbawa mag-asawa na sina Cee at Brent, eh makikita mo si Aldrin? Ano ba? Anong issue mo Maggie?"

"Ang layo na ng mga naisip mo Ate," puna ko kay Ate Isabel.

"Maggie, don't make a mistake again. Love who you love."

"Sinasabi mo bang mali si Aldrin? That I was wrong that we let us happen?" challenge ko sa kanya.

Tumango sya. "Bakit akala mo ba hindi ko alam lahat ng nangyayari sa'yo non? Brent tells me everything."

Traitor! "Mabatukan nga yun!" alala ko kay Brent.

"Maggie, don't think about this. Ano bang nararamdaman mo? Sino ba ang itinitibok ng puso mo? Hindi ba I-an, I-an, I-an, yan?"

Funny si Ate, nagjo-joke. "Ate-"

"Why are you so maarte and afraid when it comes to Ian? Bakit ang hirap para sa'yo na mag-let go 'pag sya?"

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon