Kasama ni Hugo si Ian. Nakita kong tinext ni Hugo si Therese to say na kasama nya si Ian kaya nag-text back si Therese kay Hugo to say na kasama naman nya si Maggie. Nag-undertime na si Hugo sa trabaho para maka-usap si Ian.
Mukhang nalugi si Ian. Bagsak ang mukha nya na parang may malaking problema. "Did I mess up?" tanong ni Ian kay Hugo o sa hangin.
Ngumiwi si Hugo. Napailing sya. Tinapik nya ang balikat ng kaibigan. "Bro ayan ka na naman. Wala kang kasalanan, sa kahit ano, sa kahit saan," sabi ni Hugo.
"I love her," diretsong sabi ni Ian. Inihinga nya yun.
Ikinagulat yun ni Hugo pero napangiti rin sya dahil dun. "Then, do that, love her," payo nya.
He didn't look hopeful. "I can't. Hindi naman kasi ako mag-tatagal dito sa Pilipinas. Baka masaktan sya ulit. Ayokong maramdaman nya yung lungkot kasi naramdaman nya na yun nang nawala si Ficks at nung umalis ako nun. If I'll love her, I want to be here, I want it right," katwiran ni Ian.
Napailing si Hugo. Hindi sya sigurado sa nasabi ni Ian. "Your decision pare."
"Ikaw," sabi ni Ian at humarap kay Hugo, "when did you know it's Therese?" tanong ni Ian.
"Mahal ko sya. Yun lang. At kailangan nang maging asawa ko sya, kahit anong mangyari, kahit ano pa yung sitwasyon," sagot agad ni Hugo.
Bumuntung-hininga si Ian. Mukha syang naguguluhan.
Tinapik ulit ni Hugo si Ian sa balikat. "Therese and I are lucky that our circumstances are different from you guys and that they're easy. I hope you and Maggie would sort this out and be happy too. Magiging masaya kami para sa inyong mga best friends namin."
"Shall I just ask her to be my girlfriend and then just hope for the best? Kahit magiging long distance yung relationship namin?" tanong ni Ian.
"Try," Hugo urged. "If that doesn't work, at least you tried."
"I'll ask her parents," sabi ni Ian looking decided sitting up.
"Just keep this between the two of you muna. You're not asking her hand in marriage Ian. Para hindi rin complicated," payo naman ni Hugo.
Tumango naman si Ian. He looked like he was considering it.
Nagkita-kita silang mag-babarkada para sa planned dinner nila nang mag-gabi.
Masaya silang nagbatian nang magkita-kita sa isang restaurant. Nang nakita ni Ian si Maggie nilapitan nya ito kaagad. "Hi Mags," nahihiya pero natutuwa nyang bati.
"Hi," kaswal naman na bati at ngiti ni Maggie sa kanya.
Tensyonadong nagtinginan sina Therese at Hugo na may nalalaman sa kanilang dalawa.
"Anong nangyayari?" tanong at pansin ni Louella sa nararamdamang tensyon. Papalit-palit ang tingin nya sa mga kaibigan.
Si Therese ang sumalo sa sitwasyon. "Masakit kasi yung tyan ko," mabilis na dahilan nya.
Naniwala naman ata si Louella. "Ganun ba?" tanong nya. "Bakit?"
"May nakain ata sya kaninang lunch," sakay na rin ni Hugo sa excuse ni Therese.
"Kailangan mo ba ng gamot?" tanong ni George kay Therese na nag-aalala na.
Umiling-iling si Therese. "Hindi naman siguro, pero baka umuwi na kami agad pagkatapos mag-dinner," sabi ni Therese.
"Ganun?" sabi ni Louella na nalungkot.
"Pwede namang bukas na lang tayo manood ng sine at mag-kape diba?" sabi ni Therese seeking approval from others.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...