Chapter 35

434 8 0
                                    

Tulog si Maggie sa byahe hanggang makarating sa Manila. Ginising na lang sya nang nasa tapat na sya ng bahay nila.

"Maggie, andito ka na sa inyo," sabi ng boss nyang si Carmela.

"Huh?!" gulat nyang gising. Tuliro pa syang tumingin sa paligid. "Oo nga! Andito na pala!"

Tinulungan na syang maibaba ang mga gamit nya. Dahil sa kagigising lang nya hindi sya agad makapag-isip ng mga ibababa.

Nang nakaalis na ang sasakyan pakiramdam nya may nalimutan sya. "Parang may-"

May nakalimutan ka Maggie...

"Oo nga pala! Susunduin nga pala 'ko ni Ian sa hotel!" napaface-palm na sabi ni Maggie. Ipinasok nya na ang mga gamit sa loob ng bahay habang iniisip ang gagawin. "Ba't ko naman kasi nalimutan?!"

Nasaan na si Ian?

Gwapong-gwapong nag-aantay si Ian malapit sa employee's entrance ng hotel. Sa loob ng sasakyan nya may bouquet ng mga bulaklak.

Nauna na sya sa bahay friend. Tawagan mo.

Nakareceive sya ng tawag kay Maggie. "Maggie! O ano? Malapit na kayo? Bahay? Bahay nyo? Ahhh, o sige puntahan na lang kita dyan. Sige. Sige. Bye. Papunta na 'ko," sabi ni Ian at pagkatapos nun mabilis syang sumakay sa sasakyan at umalis.

Pag-liko nya paalis ng hotel nakita nya ang hadlang sa mabilis na pagpunta nya kina Maggie: hindi umuusad na traffic.

"Hay naku," buntung-hininga nya.

Tinext nya si Maggie: Mags ma-traffic na. Wait ka lang dyan ah.

Isa ang traffic na yun sa pinaka-malala in a long time na naranasan ng Metro Manila. Tumawag si Ian kay Maggie at nakausap nya pa ito para sabihing male-late sya pero nang sinubukan nya na nung mga sumunod na beses, nagriring na lang ang phone ni Maggie. Pagkatapos ng limang oras ng nakakapagod na byahe, na dapat ay isang oras lang, narating na din ni Ian ang bahay nila Maggie.

Wala ng ilaw sa bahay nila Maggie. Bumaba ang mga balikat nya at maayos nya na lang na ipinark ang sasakyan. Tinawagan nya si Maggie pero off na ang phone nya. Nang nasilip ko si Maggie, patay nga ang cell phone nya at tulug na tulog na sa kama.

Tinawagan ni Ian si Brent pero nagriring lang rin ang phone nya.

"Nakatulog na siguro sila," sabi ni Ian at nagmaneho na sya pauwi. Pagdating nya sa bahay, nakatulog na sya kaagad sa pagod.

Pinuntahan ko si Michelle. Unlike Maggie and Ian na tulug na tulog na, gising na gising pa si Michelle at umiiyak sya.

Wala syang nasasabi kaya di 'ko malaman kung ano ang iniiyak nya.

Baka dahil ikakasal na ang ex nyang si Derek? O dahil nalulungkot sya sa end nila ni Ian? Or generally malungkot lang?

Nang napunasan nya na ang mga luha nya, unti-unti na rin syang nakatulog.

Kinabukasan pagkagising ni Michelle, kumain agad sya at umalis.

Michelle, wag kang manggugulo sa kasal nila Derek!

Wag ka ring manggugulo sa Ian-Maggie love team! Ngayon magkikita na yung dalawang yun for sure. Aamin na ata si Ian ngayon bago umalis bukas.

Pero hindi papunta si Michelle kina Ian o sa simbahan sa kasal nila Derek. 

Teka, san ka pupunta?

Ikaw nga Michelle. Ikaw nga ang Unfinished Business ko!

Ngumiti si Michelle pagkakita sa puntod ko. It was a smile like she's seen me again. She looked nostalgic.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon