"E di sana kayo na lang ang kumuha ng pagkain. Ang ayos ayos ng higa ko dun o. Kayo naman nanonood at kakain inabala nyo pa 'ko," reklamo ko. "Sasama din pala kayo."
"Minsan minsan na lang tayo magkakasama eh," sabi ni Ian. "Mamimiss ka namin."
"Kaya nga," ayon ni Maggie.
"Hooo, ang aarte nyo," sabi ko. "If I know nagkaka-ilangan lang kayo." Natawa ako ng bahagya. "Kaya ayaw nyong maiwan dalawa."
Malakas ang naging awtomatikong tapik sa'kin ni Ian. "Aray!" reklamo ko.
Sumabunot din si Maggie sa'kin.
Ang babayolente pala ng best friend at ng girlfriend ko pag nabigyan ng pagkakataon.
"Bakit naman kami magkaka-ilangan ni Maggie?" di mapakaling subok na lusot ni Ian.
"Huh! Kaya nga," ayon ni Maggie na uneasy rin.
Di ko na lang sila pinansin o inasar.
Nagluto kami ng pancit canton. Tig-isa isa kaming bowl na bumalik sa kwarto para ipagpatuloy ang panonood.
"Maggie!" humahangos na appear bigla ni Manang Josie. "Tumawag ang mama mo, umuwi ka na daw sa inyo. Sinugod sa hospital ang papa mo."
Dali-dali kaming pumunta sa hospital kung saan isinugod ang papa ni Maggie.
"Ma! Anong nangyari?" tanong kaagad ni Maggie sa mama nya pagkakita nila sa hallway ng ospital.
Umiiyak ang mama nya at hindi makapagsalita. Umiyak na din si Maggie at niyakap ang mama nya. Biglang dumating rin si Ate Isabel.
"Ma, asan si papa?" tanong ni Ate Isabel.
Tinuro ng mama nya ang pinto sa harapan namin. Pumasok kami. Naiwan pa si Maggie at si tita sa labas pero nakasilip si Maggie. Hindi nya maiwan ang mama nya sa sobrang iyak nito.
Nakaratay ang papa ni Maggie sa kama. Naroon si Brent na nakasubsob ang mukha sa kama.
"Ate," bulong ni Brent pagkakita sa Ate Isabel nya.
"Anong nangyari Brent?" tanong ni Ate Isabel demanding an answer.
Pumasok si tita at si Maggie. "Umuwi na muna kayo, ako muna ang magbabantay," sabi ng humahagulgol na mama ni Maggie.
Tumayo si Brent at marahas na umalis, nagdabog palabas.
"Brent!" sabay na sigaw at suway ni Ate Isabel at ni Maggie.
Nagtinginan lang kami ni Ian. Hindi namin alam kung aalis na ba kami o mananatili dun.
"Ma, ano bang nangyari?" tanong ni Ate Isabel. "Bat kanina pa walang sumasagot sa'kin? Kumusta na si papa? Anong sabi ng Doktor?"
"Ma?" tanong din ni Maggie sa mama nya na akbay akbay nya.
"Nag-away kami ng papa nyo," sabi ng mama ni Maggie at humagulgol ulit.
"Bakit?" tanong ni Ate Isabel. "At pano inatake si papa?"
"Nalaman ni Brent," bulong ni mama.
"Aysos!" sigaw ni Ate Isabel na galit na galit.
"Anong nalaman?" gulong tanong ni Maggie.
"Mabuti pa ma, hanapin natin ang doktor. Let's ask about papa," sabi ni Ate Isabel at kinuha si tita kay Maggie.
"Anong nangyayari? Anong hindi ko alam?" tanong ni Maggie sa kanila.
Biglang dumating ang doktor. Ipinaliwanag ng doktor ang nangyari. Classic case of Angina Pectoris pero magiging okay na ang papa ni Maggie.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...