Ipinasok ni Ian ang lahat ng mga gamit nya sa bag nya pagkarating nya sa kwarto. Pagkatapos, tumingin sya ng flights pa-Cebu.
"Bukas na lang ng tanghali ang earliest?" yamot nyang banggit. Bumaba ang balikat nya. Bi-nook nya na yun.
Biglang may nag-text sa kanya: See you at the party later!
"Si Maggie. Oo nga pala may party syang sinasabi. Punta ba 'ko?" sabi nya habang tinitingnan ang text. May napansin sya. "Teka, asan na yung text nya kanina at text ko na good morning?" sabi nya habang iniscroll pababa at pataas ang text. "May text sya kanina."
Si Maggie yun Ian! Si Maggie hindi si Ma-G kaya wala kang makita dyan! Tawagan mo na sya! Gusto ka na nyang makita.
Biglang may tumawag. Nawala si Ian sa iniisip nya o paghahanap kung nasaan ang text kanina mula kay Maggie.
"Hugo! O! Pare pupuntahan ko si Maggie bukas sa Cebu. Nakausap ko yung kaibigan nya dito. Sabi kasi ni Brent kausapin ko daw si Sapphire yung source nya ng impormasyon tungkol kay Maggie. Kukunin nya yung address sa Cebu na pupuntahan ko bukas... Oo okay lang pare, walang kaso... Oo gusto ko syang makita eh... Para rin 'to kina George. Aattend yun sa kasal nila... Oo pare tutulungan kita dyan sa proposal mo... Kaya nga magandang nandun din si Maggie. Matutuwa yun si Therese. Sige 'tol. See you soon. Ingat ka rin. Ingat kayo. Balitaan mo sila."
Nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit si Ian.
May tumawag ulit, si Ma-G. "Hey," bati ni Ian. "I guess so. No, it's just that I'm leaving for Cebu tomorrow... I'm preparing for that but I think I can still go later. I won't be long though. See you then."
Napagdesisyunan ni Ian na maligo sa beach para mapakalma ang sarili. Naisip nya ring pag nagkita na sila ni Maggie, uuwi na agad sila ng Manila at hindi nya na sya makakabalik sa Boracay. Naisip nya ring magpa-tan ng kaunti dahil matindi ang ikina-puti nya sa Amerika. Ayaw nyang maputlang maputla sya pag nagkita sila ni Maggie.
Pabalik na sya ng hotel para magbanlaw ng may narinig syang tumawag sa kanya. "Ian! Kumusta?" tawag ni Christine, ang nakausap nya nung lumipas na gabi. Kasama nya ang kaibigang si Jackie at isa pa.
"Uy Jackie! Christine!" bati ni Ian. "Um," turo ni Ian sa kasama nilang hindi nya kilala.
"Charlotte," abot sa kanya nung Charlotte ng kamay.
"Hi," kamay nya kay Charlotte. "Kumusta?"
"Eto, hinahanap namin yung pinsan nya. Medyo kamukha nya rin baka nakita mo," sabi ni Jackie na parang nababanas na.
"Ay! Oo nga pala Christine! Si Andre daw sabi ng kaibigan ko nasa Mandaue sa Cebu!" sigaw bigla ni Ian na ikinagulat nila. Hinanap nya ang text ni Hugo at ipinakita sa kanila.
Natuwa si Christine. Nagtilian naman si Charlotte at Jackie.
"Kung gusto mo syang puntahan, sumama ka na sa'kin bukas pupuntahan ko din si Maggie sa Cebu. Bukas ng tanghali ang earliest flight to Cebu."
"Pero si Chloe," pag-aalinlangan ni Christine na tumingin kay Jackie. "Hindi pa kasi namin nakikita yung pinsan ko," sabi ni Christine.
"Delikado ba? Ano bang nangyari?" tanong ni Ian.
"Ay hindi naman, sumama lang sa lalaki. Medyo sanay na naman kami, ito lang si Christine, parang nanay, gustong makita ang anak," paliwanag ni Jackie.
"Tumawag naman sya, okay naman sya pero gusto ko lang syang makita muna sana," sabi ni Christine.
"Ahh. Pag-isipan mo Christine," sabi ni Ian. "Mauna na pala 'ko may party kasi na... Wait, ba't di kayo pumunta sa party happening in an hour dyan sa may Station Two? Biggest party daw eh," balita ni Ian.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...