"I don't know what she's talking about," sabi ni Ian.
"Close ba talaga kayo? Did you hang out ba?" usisa ni Maggie.
"No. Nagkatabi lang kami sa plane, yun lang," depensa ni Ian.
"Bakit kailangan pa nating magpanggap for her?" inis na tanong ni Maggie.
Bakit, gusto mo na ba ng totohanan Maggie?
"I just want her to know that I'm not interested in her," sabi ni Ian. "I want to actually show it. She's a nice person. She's just forward. I don't want to upset her naman by keeping on rejecting her."
"Pero ano yung sinasabi nya? Anong help?" tanong ulit ni Maggie.
"I only helped her with her Tagalog. Yun lang. Baka yun," sabi ni Ian.
"Ang daming marunong mag-Tagalog dito sa Pilipinas," bulong ni Maggie. "Bakit ikaw pa ang gusto nya?"
"Well she has your number, you can teach her," ngiti ni Ian sa kanya. "Kain na tayo? Sorry ah, I had to, you know, call you those and... touch you."
Pero parang hindi ka naman sorry 'tol. Parang gusto mo. Parang natural lang sa'yo?
Namula lang si Maggie at yumuko. Hindi rin naman nakita ni Ian yun dahil busy rin sya sa hiya nya. Inintindi nila ang pagkain nila.
May mga research na kailangang gawin si Ian para sa freelance work nya pero dahil gusto nyang makasama si Maggie that day dahil naka-leave pa sya, sumama sya kay Maggie sa restaurant ni Saph, sa pag-tambay nya dun at dun sya nag-trabaho.
Nasa dulo ng restaurant si Ian with his laptop overlooking the beach at nasa bar naman na nag-uusap si Maggie at Saph. Nakatingin sila sa kanya.
"Kayo na 'no?" hula ni Saph.
"Ano ka ba, nagpanggap nga lang kami kanina," irap ni Maggie. "Ba't kasi sulpot ng sulpot yung Maggie na yun."
"Totohanin nyo na kasi," sabi ni Saph.
Bumuntung-hininga lang si Maggie.
"Inaantay mo bang ligawan ka, o tanungin ka kung gusto mong maging girlfriend nya? Eh malay mo kayo na, hindi lang nya masabi, alam mo yun?" patuloy ni Saph. "Kumbaga understood na since lagi naman kayong magkasama. He cares for you, baka yun na yun."
Maggie looked doubtful sa sinabi ni Saph.
"Ganun na ngayon, ano ka ba," sagot ni Saph sa tingin na ipinukol sa kanya ni Maggie.
Bumuntung-hininga ulit si Maggie. "Pa'no 'pag iniwan nya 'ko ulit?" malungkot at mahinang tanong ni Maggie.
Matipid na ngiwi lang ang isinagot ni Saph, "Bakit naman mangyayari yun?"
"Nasa US ang Daddy nya. Nasa US din ang work nya. Tumatanggap lang sya ng mga researches ngayon. Wala naman atang masyadong opportunities for him dito sa 'Pinas. Pa'no sya lalagi dito?" ngusong sabi ni Maggie bago uminom ng iniinom na iced tea.
"Ano bang ginagawa nya? Ano bang trabaho nya?" tanong ni Saph.
"Mechanical Design tsaka Industry Research sa Avionics," sagot ni Maggie.
"O, wala ba nun dito?" tanong ni Saph.
"Wala 'no. Puro naman tayo pagawaan lang. Yung mga concepts at design galing sa ibang bansa lagi," sabi ni Maggie.
"Oh eh, are you going to hinder his success? Eh mukhang sosyal at nakaka-nose bleed yung kaya nyang gawin eh. Eh wala pala nun dito."
"Of course not. Syempre magandang magawa nya yung gusto nyang gawin. Nasabi ko lang naman yung sa'kin. Nasaktan na 'ko Saph at naiwan na rin ako. Parang ayoko nang mangyari ulit yun. Masakit masaktan ulit for sure kasi naka-ilang beses na 'ko eh. Parang alam ko na ngang masakit pero lulusong pa rin ako ulit? Diba parang ang tanga naman nun?"
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...