"Samahan na kita," tayo rin ni Aldrin.
"Huh? No, okay lang, stay here," pigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang tyan ko. "Mukhang mag-tatagal ako sa CR eh," pag-arte ko.
"Ah o sige," balik upo ni Aldrin.
Napaka-sinungaling nun Maggie!
I checked the resort's wi-fi at meron ngang available pero hindi ko naman alam ang password. Kailangan ko yung password. Alangan namang itanong ko yung password bago ako makapag-CR...
Tinawagan ko na lang ang number ni Ian.
Mali, mali 'to pero mahal ko sya. Gusto kong malaman nya yun. Gusto ko... pa rin sya.
Nagri-ring lang ang phone nya. I ended the connection and tried again. This time he cancelled.
"Dapat ba two o'clock sakto?" nasabi ko out loud looking at my phone. It was one-fifty.
I kept trying his line for ten minutes. I must've left 10 missed calls on his phone already. "Siguro naman nakikita nyang ako yung tumatawag. Bakit hindi sya sumasagot?"
My phone gave up. Na-low batt na 'ko at 2:02 pm. Nanghina ako at the thought na hindi nya sinasagot ang tawag ko.
May naisip ako so I scrambled. Nagmadali ako and used network data to use the internet. I got into my Skype pero he wasn't even online. "Pinaasa nya lang ba 'ko?"
I broke down. I plopped on the bed and cried my eyeballs out.
Ito ang nakukuha ko sa kaka-asa sa kanya. Ayoko na. Ayoko na talaga.
After a month...
"Honey, I'm excited! Are you excited?" sabi ni Aldrin sa'kin as he was driving to the airport. Papunta kaming Palawan for our first monthsary.
"Excited na din!" gigil ko sa braso nya.
"Eh di kayo na, kayo na ang mag-paPalawan," sabi ni Brent sa likod na sumama para mag-maneho ng sasakyan pauwi sa bahay nila Cee, na kasama rin.
"Sama na kasi bro," tudyo ko kay Brent. "Sumama na kayo. Hayaan nyo na yang mga trabaho nyo."
"Hay naku Ate Mags. Kung ganun nga lang kadali yun," buntung-hininga ni Cee.
Naka-receive ako ng tawag from Hugo. Si Hugo? "Hello Hugo," bati ko sa kanya. Tumingin ako kay Aldrin at kay Brent.
"Maggie! How are you?!" masayang bati ni Hugo sa kabilang linya.
"Okay naman. Kayo?" tanong ko.
"Sobrang great! Uuwi sina George at Louella from Malaysia ngayon kasi, kasi bibisita si Ian."
Saglit akong natigilan hearing his name but I quickly found my voice. "Ahhh."
"May Singapore trip kasi sya for work kaya dadaan sya dito sa 'Pinas bago umuwi ng US. Sa'n ka ba? Kita-kita tayo," yaya ni Hugo. "Since andito na kasi ang lahat, ito na, gusto ko nang mag-propose kay Therese."
"Ay sayang naman, papunta kasi ako ng airport eh, pupunta kasi kaming Palawan," sabi ko.
"Ah, ganun ba," mahina nyang reaksyon. "Eh sige, siguro mababalitaan mo na lang kay Therese yung engagement namin kung sakali..."
Natahimik kami saglit. "Oo nga, pero Hugo, I'm happy for both of you. Sabihin mo kay Therese na ako ang Maid of Honor. Alam nya na yun."
"Sige. Pero... hindi ba pwedeng ma-move yan Mags? Sayang naman kumpleto tayo o," apila nya.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...