"Honey, bilis, lika na, picture daw," tawag ni Aldrin sa'kin. Nasa labas kami ng simbahan ng Sabadong yun para sa kasal nina Kuya George at Ate Louella. We were being assembled by the organizers para sa wedding march. It was exactly a day after I said Yes to him.
"Margaret?!" may diin na tawag ni Therese sa'kin. She clearly heard what Aldrin called me. Hugo was also confused who was with Kuya George na kunot-noo din sa narinig nila. Kadarating lang naming lahat kaya hindi pa kami nakakapag-usap. Dahan-dahan na silang palapit sa'kin.
Oh no. Here we go.
"Aldrin!" tawag ko kay Aldrin na nakiki-picture with Brent and Cee. "Honey!" ulit ko na narinig na nya pati ang lahat.
"Yes, hon?" lapit nya.
"Margaret," hablot sa'kin ni Therese. Naka-halukipkip din sina Hugo at Kuya George na nasa likod nya. Makahulugan ang banggit nya ng pangalan ko na parang may kasalanan ako. "Ano nang nangyayari sa'yo?" tanong nya sa'kin habang naka-tingin kay Aldrin.
I turned to Aldrin. "Honey these are my bestest friends, Therese, Hugo and of course my cousin who's getting married, Kuya George. Guys, meet Aldrin... boyfriend ko," sabi ko. Mas mahina ang boses ko sa bandang huli ng sinabi ko pero nevertheless naka-ngiti ako sa kanila.
"Oyyy!!!" biglang pasok ni Brent sa eksena. Life-saver talaga si bunso. "Na-meet nyo na pala si Bayaw!" akbay nya kay Aldrin. "Ang sweet nila ni Ate 'no?" dagdag ni Brent. Tahimik lang naman ang lahat. "Kuya Hugo, Kuya George, usap tayo saglit lang?" hila ni Brent sa kanila palayo sa'min. Wala na silang nagawa at sumama sa kanya.
Naiwan si Therese na tulala kay Aldrin. Tiningnan nya ako pagkatapos. Binulungan nya ako, "Magpapaliwanag ka diba?"
"Oo," bulong ko rin bilang sagot kay Therese.
Iniwan na ako ni Therese doon na gulat at tila malungkot.
Aldrin, sensing tension, held my hand. "Your friends... parang..."
"Hayaan mo na sila," sabi ko. "Pagod yung mag-jowang Hugo at Therese kasi kadarating lang nila from Hongkong kagabi tapos bukas balik Hongkong ulit sila. Si Kuya George siguro maraming iniisip," sabi ko to appease him. I kissed him on the cheek. Mabilis naman syang naging masaya ulit.
"Nakakakilig ka," yakap sa'kin ni Aldrin. He kissed my forehead.
"Ahem," dinig kong sabi sa likuran ko.
"Pa!" gulat kong sabi. Nabitawan ako ng natarantang si Aldrin. "Pa, si Aldrin... boyfriend ko."
"Good morning po, good morning po," sabi ni Aldrin na kinamayan si papa.
"Ganun ba?" sabi ni papa na sinusukat si Aldrin.
"Brother sya ni Cee pa," dugtong ko. Sana makatulong.
Mukhang nakatulong naman ang relation ni Aldrin kay Cee na girlfriend ng paborito nilang anak, "Ganun ba?" Mas gumaan nga ang expression ni papa. "Kelan ka pa boyfriend ng anak ko?" tanong nya kay Aldrin.
"Kahapon lang po," sagot ni Aldrin.
"Pa, kahapon lang," suporta ko. Hawak ko rin ang puso ni papa habang yakap sya.
"O, ba't may ganito?" lapit ni Ate Isabel sa'min. Kasama nya si mama.
"Ate, Ma, si Aldrin, boyfriend ko po," pakilala ko sa kanya. "Si Ate Isabel ko pala. At si Mama," pakilala ko sa kanila.
Mataman lang akong tiningnan ni Ate Isabel. Si Mama, kahit gulat, mabilis na kinamayan si Aldrin.
"Kuya Aldrin!" pasok ulit ni Brent sa eksena. "Halika, ipapakilala ko kayo ni Cee sa mga pinsan namin." Hinila sya ni Brent at inilayo sa'min. Maayos namang nag-excuse si Aldrin kina mama, papa at Ate Isabel.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
عاطفيةThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...