Chapter 11

745 8 0
                                    

About two years after...

Dead Ficks' POV...

Maggie, Maaaaaggsss, u-mu-wi ka na ng Ma-ni-laaa...

Please?

Nakakafrustrate na...

Naglalagay ng makeup si Maggie, as usual, as part of her daily routine every afternoon. Naghahanda na sya for her shift at work. Nakatitig at nakaharap ako sa kanya and I was trying to tell her na dapat umuwi na sya ng Manila. Since I'm dead, of course, she just looks past me. Mas pineperfect pa nya sa salamin ang pagpapaganda sa mas lalo nyang gumandang mukha.

It had been about two years and she had matured and grown into a beautiful woman. Nag-mature ang features nya at mas lalo syang gumanda. Nakatulong din ang sun-kissed glow ng skin nya dulot ng madalas na exposure sa araw. Humaba na ang buhok nya at kumulot pa ito sa dulo. Pumayat sya sa kakatrabaho kaya naiwan ang curves nya na lalong ikinaganda ng hubog ng katawan nya. Lahat ng nakakakita sa kanya ay napapatanga sa kanya pero di makakaila na hindi sya masaya at kita rin iyon sa mga mata nya. Wala na ang ngiti nyang gustung-gusto ko. Hindi na kumikislap ang mga mata nya 'pag tumatawa sya. That is, kung tumatawa pa sya. Sa dalawang taon kasi na nakalipas, hindi na ata sya tumawa.

Since napromote sya six months ago from being a Marketing Assistant to being the Marketing Executive, pang-gabi na si Maggie pero hapon pa lang, bihis na sya at ready for work na. Eight hours lang ang shift nya pero ginagawa nya iyong twelve hours every day. She works at The Royal View Hotel in Boracay. When she went ahead and took the Boracay trip alone na graduation gift nya sana sa'kin, nag-apply sya sa The Royal View Hotel branch sa Boracay at natanggap naman sya agad. Mula non, isang beses pa lang syang nagpunta ng Manila in two years.

About two years na rin after I died pero si Maggie, di pa rin maka-move on, in pain pa rin sya kaya heto ako andito pa rin sa mundo ng mga tao kahit gustung-gusto ko nang pumunta sa dapat na kapuntahan ko.

I liked following Maggie around pero in the deepest part of my being, I know I do not belong in her world anymore and I had been needing to pass on. Maaga kong napagtanto na kailangang matanggap ni Maggie ang nangyari sa'kin. She needs to understand the pain, regret and all the hurting she was feeling para maka-move on na 'ko at para maging masaya na rin sya.

I followed her around kasi I realized she was my unfinished business and I needed to help her if I can so I can get to where I should be. At napagtanto ko na rin ang susi nito, para mangyari ang dapat mangyari: kailangan nyang umuwi ng Manila. Ito ang makakatulong sa aming dalawa. She needed to go back to Manila for a lot of reasons.

I needed to, I had to be with her, pero eventually it became very boring to follow her around. Bilang nasa ganito na akong kalagayan, hindi ko maramdaman ang dating nararamdaman ko sa kanya. Bilang ghost, spirit or soul, ang namamayagpag sa'kin at sa lahat ng mga tulad ko ay ang pangangailangan na dapat ay manahimik na kami, yung makarating na kami sa huli naming hantungan. Habang patagal ng patagal, nakakaramdam na ako ng pagkainip at pagkainis. Pasidhi na ng pasidhi. Kailangan ko nang manahimik Maggie! Umuwi ka na sa Manila!!!

Una, she needed to reconcile with her family na nasa Manila. Alam kong makakatulong yun hindi lang sa pagtanggap nya sa pagkamatay ko kundi rin sa kanya. Mahirap ding makita syang nahihirapan na malungkot at mag-isa sa Boracay na may hinanakit sa pamilya nya. Sa kanila, si Brent lang talaga ang maayos nyang nakakausap na nakapagbakasyon na rin sa Boracay to visit her four times. Nang magdesisyon syang manatili sa Boracay to work, hindi ikinatuwa ng family nya yun. At nung naghiwalay din ang parents nya shortly after her move, naisip nyang wala na rin naman syang babalikan sa Manila kaya minabuti nya nang panindigan ang pamamalagi para sa trabaho sa Boracay. After all, pangarap naman nya talagang magtrabaho sa The Royal View Hotel.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon