Chapter 49

518 5 0
                                    

Maaga akong umalis kina Ian nang hindi nya alam, para puntahan na si Aldrin, para masabi ko na rin sa kanya na talagang wala nang kami. Alam kong mali 'pag pinatagal ko ang pagsasabi sa kanya kaya minabuti ko nang gawin yun. 'Pag sinabi ko rin kasi kay Ian kung ano ang gagawin ko kaya ako aalis, magpipilit yung samahan ako at lalong hindi maganda kung kasama ang bago kong fiancé sa pakikipaghiwalay ng maayos sa boyfriend ko.

Paalis si Aldrin papasok ng trabaho nang naabutan ko sya. Malamya ang ngiti at salubong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin o sisimulan. Pero parang alam nya na rin ang sasabihin ko bago pa 'ko nag-simula.

Mahirap ang ginawa ko but it made me feel free. I wanted Aldrin and I to be friends pero naiintindihan ko din kung hindi mangyayari yun sa pagitan namin. I just wished him good luck and to follow his heart always.

Pagbalik ko kina Ian, tarantang taranta syang wala ako. "Where were you? I was bawling my eyes out asking myself why you're not here after our engagement when I woke up. San ka galing?" tanong at mahigpit nyang yakap sa'kin.

"Calm down. Nakipag-break lang ako kay Aldrin," sabi ko.

"O, diba dapat ihahatid kita dun?" malambing nya nang sabi at yakap ulit sa'kin. "Natakot ako. Akala ko may ginawa akong masama. I thought I lost you again. Natakot ako."

"Ian, okay na tayo. Tayong tayo na. Ikakasal na nga tayo. Diba yan ang sabi mo?" lambing ko sa kanya.

Ngumiti sya at napakagat-labi. "Talaga ba? Talagang-talaga ba?" hawak at tingin nya sa'kin. He held my face. "Pakakasalan ba talaga ako ng pinaka-magandang babae sa mundo? At nag-iisa sa puso ko noon pa?"

"Bola mo yan," turo ko sa mukha nya. "Patay na patay ka kaya kay Michelle nun."

"Sa'yo na noon pa lang. Kayo pa lang ni Ficks, ikaw na yung gusto ko pero kayo nga ng pinaka-matalik kong kaibigan diba? Unti unti na 'ko nung heartbroken kasi I knew you're his forever. And I was trying to shake my feelings off pero hindi nawala. I was trying to reconcile that within me. Kaya nga nung nawala sya, mas na-guilty ako kasi deep down inside, secretly, I wanted you."

He didn't need to mention all those things to prove to me he loves me. At kahit naman hindi, alam kong mahal na mahal ko sya. "I love you," I affirmed.

"Mas mahal kita," he said and placed his lips on mine.

I still can't get used to us kissing. Ibang-iba pa rin yung kilig, yung saya ko everytime he kisses me. I smiled at our morning breaths. "Hindi pa tayo nagtu-toothbrush o kumakain," tawa ko.

"Mas masarap yan! Ikaw 'to eh," sabi nya as his kiss deepend. Humigpit ang hawak nya sa'kin. Mas naging malaro.

Are we? Are we doing it? With his Dad somewhere here in their house?

Tumigil sya bigla. "Ugh! Nag-promise ako sa Papa mo! After pa ng kasal! Nakakainis! Nang-gigigil na 'ko!"

Tumawa ako. "Kaya pala kagabi ang weird weird mo."

"It's not easy being close to you and not being able to do anything about it. Hindi ata ako makukuntento sa amoy mo lang. Though your smell alone is making me insane! Help me? Help me resist you?" kunot noong pagmamakaawa nya na ikina-durog naman ng puso ko.

"Sige. Aawayin kita para mainis ka sa'kin. Then that'd be the furthest thing from your mind," sabi ko and then kissed his chin.

"Mmm, cute ka 'pag galit eh. Baka mas lalong delikado? Baka mas lalo akong mang-gigil sa'yo," halik naman nya sa noo ko.

"Yan kasi nag-promise ka pa kay Papa," sisi at tawa ko sa kanya. Tinuro ko ang dibdib nya. Inilagay ko ang mukha ko don.

"Awww! Pilitin mo ko bilis! Sige na?"

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon