Chapter 16

560 9 0
                                    

"Huy! Anong ginagawa mo dito sa kawalan? Himala wala ka kay Ian or kay Maggie," gulat at bati sa'kin ni Lanie.

"Iniisip ko kasi kung paano kung hindi pala si Maggie yung Unfinished Business ko, e di ganto na lang ako habambuhay?" buntung-hininga ko.

"Eh di isipin mo kung ano ba talaga ang Unfinished Business mo. Baka naman si Maggie talaga," sabi nya. "Alamin mo. Tara samahan kita," yaya ni Lanie. Natuwa ako sa enthusiasm nya.

"Tulog pa rin kasi sila kaya dito muna 'ko," paliwanag ko. Tumingin ako sa kabuuan ng kapatagan. Nasa itaas kasi kami ng matayog na billboard. "Tsaka favorite ko kasi dito, yung nakikita kong maliliit ang lahat sa baba, malayo sa gulo ng mga tao."

"Ahh, ako din favorite ko rin 'tong mga lugar na ganito. Tahimik, payapa," ayon nya.

"Eh ikaw ba, ano na ba ang Unfinished Business mo?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Lahat na nga ng kakilala kong buhay naka-move on na. As in clueless na ako pero hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa. Ikaw ba?"

"Siguro nakakatakot ding malimutan ako ni Maggie tsaka ni Ian. Baka ako yung problema?" duda ko.

"Hindi naman siguro. Gusto mo na namang mapagpatuloy nila yung buhay nila diba?" sabi nya.

"Oo, para sumaya na sila. Alam ko namang mahal at gusto nila ang isa't isa. Pag masaya na sila, matutuwa na rin ako."

"Pero buti andyan ka pa," bulong nya.

"Talaga?"

"Oo, kasi lagi na lang yung mga matatandang hindi ko masakyan yung mga nakakasalubong at nakakausap ko." Natawa sya. "At least ikaw, medyo nakukuha natin ang isa't isa," nangiti nyang sabi.

"Ako din," ngiti ko sa kanya.

"Tara! Puntahan na natin si Maggie. Sa tulong ko, bilang babae, mababasa natin ang mga kinikilos nya at malalaman natin kung miss na miss nya na nga si Ian," sabi ni Lanie na puno ng pag-asa.

"Tara!" ayon ko na nahawa na sa excitement nya. "Lanie thank you ah."

"Ang drama mo Ficks! Tara na!" sigaw nya.

Alas dose kinatok ni Eldrick si Maggie. Pinagbuksan din naman sya ni Maggie ng pinto kaagad.

"Maggie kumusta naman ang tulog mo? Mukhang napahaba ah," kamot nya sa ulo.

"Ay ganun ba? Sorry. Late na kasi akong nakatulog kanina. Namamahay ata ako," pagdadahilan ni Maggie.

"Ganun ba? Tara lunch na tayo. Tas after pasyal tayo sa Ayala," yaya ni Eldrick.

"Wait, magtetext lang ako." Kinuha ni Maggie ang phone nya at nangiti sya sa text ni Ian na good morning.

"Magtetext ata sya Lanie!" excited kong sabi kay Lanie.

"First time yan 'no? Pag nag-text sya?"

"Oo! Nagtext nga si Maggie!"

Ang message na tinype nya for Ian: Good morning din.

"Oh my God!!! For the first time since namatay ako, ngayon lang nag-text si Maggie kay Ian!!!" sigaw at sayaw ko.

"I'm happy for you Ficks!" sigaw ni Lanie.

"Yay!!!"

Natigil kami ni Lanie sa pagtalon at pagsayaw dahil magkahawak na pala ang mga kamay namin. Hindi man namin nadarama ang isa't isa, nararamdaman naman namin ang isa't isa.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon