Chapter 15

527 9 1
                                    

Binalikan ko si Ian sa Boracay.

Nakapamulsa syang naglalakad sa beach sa dilim ng gabi. Malayo sa tunog mula sa mga bars, sa mga nagkakasiyahan, tumingin sya sa mga bituin.

"It will be so hard to compete with you Ficks. She came back here because this is where you two met and fell in love. Ikaw ang binalikan nya at nandito pa rin sya. How could she love someone else, lalo na't ako? Ako na sinisisi nya sa pagkawala mo?" Yumuko sya at nagpatuloy sa paglalakad.

'Tol it's not like that. Ano ka ba? Wag kang panghinaan ng loob.

"She may have known I was coming. Iniwasan nya siguro ako," duda ni Ian. "After all hindi naman nya sinagot lahat ng tawag at messages ko."

Hindi nya alam Ian na parating ka!

Hay naku, tama na nga muna yan. Wag mo munang pakaisipin yan dahil wala pa naman si Maggie. Baka pagdating nya depressed ka namang makipag-usap sa kanya, pa'no sya gaganahan sa'yo? Magpakasaya ka muna. Nandito ka sa Boracay o.

Sa paglalakad, he came across a small group of girls of different ages taking photos of themselves.

"Pwede bang magpa-picture kami?" tanong sa kanya nung isa.

"Sure," payag ni Ian.

"Oh my God Ian? Is that you?" sabi nung isa.

Oh no.

"Maggie!" gulat na bati ni Ian recognizing the girl he met on the plane.

Ang 'super friendly' na si Ma-G...

"Oh my God! What a very nice surprise!" She kissed him on the cheek na ikinagulat ni Ian.

May beso talaga agad ate? Di kayo close!!!

Nayyyyy! Ano ba 'to?! Isa pang asungot!

"Boracay with your girlfriend?" tanong ni Ma-G na luminga-linga looking for Ian's company.

"Boracay yes, girlfriend not yet," napakamot sa ulo si Ian. "Uh she's in Cebu, a different island from here," paliwanag ni Ian.

"Oh really. Oh you know what? There's this party tomorrow night at this place and I was told it was going to be a big one. Come with us," yaya ni Ma-G.

"Yeah? S-sure," kibit-balikat ni Ian.

"Really? That's great! I'll save my number on your phone so we can talk about this tomorrow."

Mabilis si ate. Delikado si Maggie kay Ma-G!

Inabot ni Ian ang phone nya sa kanya. Ma-G saved her number.

"I saved it as 'Your other Maggie,'" ngiti ni Ma-G. "Call me okay?" sabi nya at sumunod na si Ma-G sa mga pinsan nya na lumayo sa pagpipicture.

"Wow, my other Maggie? Tss," napangiti si Ian looking at his phone.

Nagpatuloy sya sa paglakad. Buntung-hininga sya ng buntung-hininga.

"Miss na miss na kita Ficks. I wonder what you would have said nung lumapit yung babae. I'm sure you would have handled it differently for me. Hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko sa mga babae e," nguso nya.

Ian saw two guys, high-fiving each other after seeing a beautiful girl pass by. Nangiti si Ian pero lumungkot din ang mukha.

"Wala na 'kong bestfriend," dahan-dahan nyang bulong. "Kasi naman. Bakit pa kasi nangyari yun," bulong nya. "Andito ka pa sana. Hindi sana ganto," seryoso nyang sambit.

Ian, p're okay na yun. Move on. Si Maggie p're. Sya na lang ang i-focus mo.

He looked at his phone. "Tawagan ko kaya si Maggie?"

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon