Sa mahinang pag-iyak ni mama nasabi nyang may regalo sa aking Cambodia trip si Ficks. At nagpaalam na sya sa kanila ni papa para makasama ako.
Kinilabutan ako sa sinabi nya.
Pupunta pa kami dun mama. Matutuloy yun. Pero di ko masabi yun out loud.
I was picking on my nails. Hindi ko magawang maiyak. Tumulo lang ang luha ko nung una dahil sa takot na baka totoo nga. Pero hindi ako natatakot ngayon kasi hindi si Francis yun. Pagtatawanan nating lahat 'to mamaya.
Pa'no sya napunta sa bundok? Sasabihin nya sa'kin for sure if aakyat sila at kung kasama sya.
Inisip ko ng inisip ang mga huling beses na magkasama kami. He would have mentioned na aakyat din sya. Unless siguro nabuyo syang itago 'to sa'kin.
Bakit naman nila itatago sa'kin kung aakyat sila? KJ ba 'ko? What could be their reason?
Pero hindi.
Pero baka isa sa kanila ang napahamak. Baka nagamit lang ang pangalan ni Francis. Kung ganon sino?
Pero bakit hindi sumasagot si Francis ng phone nya?
At bakit ganon ang iyak ni Therese?
Tahimik lang ako sa taxi papunta kina Ficks mula sa terminal ng bus.
Pagpull-up ng taxi malapit sa bahay nila, nakita kong maraming tao at maliwanag dahil sa mga ilaw.
Nakita kong naglalabas at nag-aayos ng upuan ang Ate Mariz nya, malungkot at tila naluluha. Bukas pa ang dating nila dapat ah.
Nakita kong lumabas si Kuya George at Ate Louella na nagbibigay ng pagkain sa ilang bisita na naroon.
Bumaba ako. Hindi ko alam kung totoo ba pero ayaw kong maging totoo.
Nagtama ang mata namin ni Kuya George. Dinaluhan nya ako agad. Gusto nya akong yakapin pero hindi ko sya hinayaan. Pinigilan nya si Ate Louella na lapitan ako dahil sa ginawa ko.
Hinahanap ng mga mata ko si Ficks. Asan ka Ficks? Magpakita ka.
Nakita ko na sila lahat. Si Therese, si Hugo, si papa, si Brent, si Ate Isabel, si Ate Josie na kasama ni Ficks sa bahay na iyak ng iyak. Nakita kong nasa harap ang mga magulang ni Ficks umiiyak sa nakaratay sa kahon.
Hindi ko alam kung sino ang mga umaalalay sa'kin pero ayoko silang pansinin. Puntirya kong makitang buhay si Ficks.
Nakita ko si Ian at ang pamilya nya na nakaupo sa harap. Subsob ang mukha ni Ian sa mga kamay nya.
Nakita akong paparating ng mga magulang ni Ficks. Binigyan nila ako ng daan para makita ang nasa mahabang kahon.
Dahan dahan akong sumilip at nakita ko ang walang malay na katawan ni Ficks sa kahon.
Tulala akong tiningnan yun. Hindi kamukha ni Ficks. Buhay kasi si Ficks. Buhay ang mga mata nya lagi 'pag nakangiti. At lagi syang nakangiti. Nakasimangot yan.
Tiningnan ko ang mga magulang ni Ficks. Basang basa ang mga mata nila. Nilingon ko si Ian at ang pamilya nya. Lumuluha din sila. Nag-taas ng tingin si Ian nang binulungan sya ng mama nya. Nagtama ang paningin namin at dali-dali syang tumayo at niyakap ako. Humagulgol sya.
Kitang-kita ko ang mga reaksyon ng lahat sa amin. Lahat ng mata ay nakatingin sa'min o iniwas ang tingin mula sa'min.
Nakita ko sina Therese, Hugo, Ate Louella, George ang mga kapatid ko at parents ko na naiiyak o umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...