Chapter 9

620 10 4
                                    

Nang humupa na ang litratuhan, lumapit kami kina George at Louella para i-congratulate sila.

"Thanks for making us part of your special moment. Nakaka-inspire," sabi ni Ian. "Buti naabutan ko pa 'to."

"Congratulations talaga sa inyo. Excited na 'ko sa kasal. Dapat kumpleto tayo ah," sabi ko at tumingin kina Hugo, Therese at Ian.

"Oo naman! Kailan nyo ba balak magpakasal?" tanong ni Hugo kina George at Louella.

"Mga two years pa siguro mula ngayon kasi kulang pa sa ipon eh. Gusto kong ako lang talaga lahat ang gumastos eh," sabi ni George.

"Wow naman!" sabi ni Therese.

"Anu ka, gagastos din ako 'no. Di naman pwedeng ikaw lahat... fiancé," sabi ni Louella at kinilig. Kinantyawan namin sila. "Grabe I can't believe this! I'm so happy talaga!" sigaw pa ni Louella at niyakap si George.

"I love you," bulong ni George na dinig pa rin namin.

"Mas mahal kita," sabi ni Louella.

"OA na yan! Nakakakilig na masyado!" reklamong biro ni Ian.

"Group hug!" sigaw ko at niyakap namin ang magkayakap na sila.

"Ang saya saya natin! Ganito pa rin ha kahit may mga work ha!" sabi ni Therese sabay turo sa aming lahat na nagbabanta.

"Oo na, ako na ang hindi makakasama," sabi ni Ian.

"Uuwi ka naman after two years diba?" tanong ni Louella kay Ian. "Dapat present ka sa kasal namin."

"Oo kasi tapos na course ko nun," ngiti ni Ian. "Pag-iipunan ko talaga."

Nag-ayos na kami ng tents at mga gamit dahil ilang minuto na lang pauwi na kami.

"Guys!!! Less than twenty four hours na lang ako dito sa Pinas. Grabe!!! Ayoko pero kailangan!" sigaw ni Ian. Padabog syang nag-aayos ng gamit.

"Saglit lang ang two years Ian. Magkikita-kita din tayo ulit," sabi bi George.

Tahimik ang lahat pababa ng bundok. Lead si George na nauuna, kasunod si Louella, pagkatapos ay si Therese and then Hugo. Sweeper ako, ang huling tao sa trail para masamahan ang nahuhuli na dapat ay nakasunod lang malapit kay Hugo na si Ian.

George - Louella - Therese - Hugo - Ian - Ako

"Sorry 'tol. Ang ganda eh," sabi ni Ian. Maya't maya ang kuha nya ng picture ng kung anu-ano sa nadadaanan namin.

"Sige lang, pero watch it, baka kasi masyado nang malayo sina Hugo," sabi ko.

"Alam nila yan," balewala ni Ian sa sinabi ko.

Tumakbo si Ian para makahabol kina Hugo na ginawa ko rin para maabutan ko sya.

Tumigil ulit sya nang may nakita ulit na pipicturan kaya tumigil din ako.

"Picturan mo nga ako," sabi nya sabay abot sa'kin ng camera nya.

Pinicturan ko sya na ang background ay ang magandang bangin sa likod nya.

"Tas tayong dalawa 'tol," sabi nya kaya sumunod ako.

"Ganda talaga dito!" review nya ng mga pictures.

"Tara na Ian baka pagalitan ka pa ng dad mo. Bukas na alis nyo baka gusto nila maaga kang makauwi," paalala ko.

"'To naman o. Last Philippine day out ko na nga 'to eh, minamadali mo pa 'ko," sabi nya pero naglakad na.

Maya maya tumakbo na naman sya para maabutan namin sina Hugo. Sumunod din ako.

Tumigil na naman sya para mag-picture. Kinunan nya ng litrato ang isang magandang paru-paro na nakapatong sa isang maganda at kakaibang bulaklak.

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon