"Ouch, ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Maggie out loud pagkagising na pagkagising nya.
Wala akong kinalaman sa sakit ng ulo nya pero sana ipostpone nya ang trip nya to Cebu.
"Aray..."
Yan kasi inom ng inom, hindi ka naman sanay.
"Ano bang kailangan sa Cebu? Ano bang gagawin namin don?" maktol nya habang sapo ang ulo at tinitingnan ang closet nya para tumingin ng mga damit na ipapack.
Sana nagbago na isip mo Maggie...
"Ang sakit talaga ng ulo ko. Baka magkakaron na 'ko?" hula nya.
Madali syang kumain ng tinapay na laging meron sya sa kwarto nya. Pagkatapos, sinundan nya agad ng paracetamol.
"Sh1t may event pala kami ngayon!" bigla nyang sigaw.
Nagmadali syang nag-prepare para don.
Iniwan ko muna sya at bumalik kay Ian na nasa Pilipinas na.
Kakakuha lang ng bag ni Ian sa baggage claiming section at pumunta na sya sa welcome area ng Arrivals. Sumabay sa kanya ng lakad si Maria Grace, na Maggie rin ang nickname na tatawagin ko na lamang sa pangalang Ma-G para hindi confusing.
"Ian!!!" sigaw ni Hugo na matindi ang kaway pagkakita kay Ian.
Kumaway si Ian kay Hugo, Therese, George at Louella na malaking malaki ang mga ngiti. Tuwang-tuwa silang lahat kahit hindi pa sila nagkakayakapan. Nagpaalam sya kay Ma-G at tumakbo patungo kina Hugo.
Naging matagal ang bawat yakap ni Ian sa mga kaibigan namin. There were no words spoken for a few minutes dahil teary-eyed silang lahat. Gusto kong isigaw ang group hug pero of course, kahit gawin ko, hindi naman nila maririnig.
"Tara na 'tol," yaya ni Hugo na kinuha ang backpack nya. Si George kinuha na ang malaking maleta nya at kinuha naman ni Therese ang paper bag nya. Si Louella lang ang nakapulupot ang kamay sa baywang ni Ian habang akbay sya ni Ian.
"Tumangkad at lalo kang gumwapo ah!" puri ni Louella habang sinusukat ang tangkad ni Ian, hanggang leeg na lang sya ni Ian.
"Kaw naman Lou," nahihiyang sabi ni Ian. "Kumusta ba ang mga ikakasal?" tanong ni Ian kay Louella at George.
"Hay, sobrang gastos pero nakaka-excite naman. Ewan ko sa iba dyan," sabi ni George.
"Excited naman ako 'no!" depensa ni Louella. "Pero gusto ko sana kasi ng wild na bridal shower before the event Ian, alam mo yun? Yung may lalaking sasayaw!"
Tumawa si Ian. "E di dapat, kami rin kung ganon? Dapat meron din kaming stag party? Right boys?"
"Oo!" sigaw ni Hugo.
Kinurot ni Therese si Hugo sa tagiliran. "Ikaw talaga!"
Nawala bigla ang biro sa mukha ni Louella at tumingin kay Ian. "Kumpleto kasi kayo kaya malamang masaya party nyo. Kami kasi kulang pa."
Natigilan ang lahat. Tahimik sila hanggang sa makarating sa sasakyan.
"Makukumpleto tayo. Pupuntahan ko sya sa Boracay. Susunduin ko sya. Dalawang buwan pa naman," sabi ni Ian.
"Good luck kay insan pare," sabi lang ni George na nag-maniobra na paalis ng parking spot.
"Wag na natin syang pag-usapan," bulong ni Therese.
"Sweetie, hayaan mo si Ian kung gusto nya," mahinang bulong ni Hugo kay Therese.
"Eh kasi naman Ian, nandito pa rin naman kami pero wala, wala talaga, kahit anong communication from her, wala," may tampong sabi ni Therese.
Nalungkot ang mukha ni Ian habang tiningnan si Therese.
"Baka, nahihirapan pa rin sya," sabi ni Louella.
"Dalawang taon na Lou, at kung nahihirapan pa rin sya, pwede namang kinakausap nya pa rin tayo diba?" katwiran ni Therese. Si Therese kasi ang bestfriend ni Maggie na mas hindi kinakaya ang hindi nila pag-uusap sa kanilang lahat.
"Tama na sweetie," hagod ni Hugo sa likod ni Therese.
"Nagtatampo lang naman ako Ian. Hanggang kelan ba tayo hindi papansinin ni Maggie? Namimiss ko na rin naman sya," sabi ni Therese at naluha bigla.
"Huy, kadarating lang ni Ian oh, mamaya na drama," sabi ni George.
Therese let out a huge sigh to stop her from crying some more. "Chocolates ko?" natawa nyang sabi habang pinupunasan ang mga luha.
Natawa sila at kinuha ni Ian ang mga pasalubong nya sa kanila.
Matindi ang traffic kaya natanong nila si Ian ng mga nangyari sa US. Naikuwento ni Ian ang tungkol sa mga unang buwan nila don na pinaka-mahirap na mga buwan nila dahil sa adjustment nya sa school, sa bago nilang bahay pati syempre ang kalagayan ng mommy nya noon. Naikuwento nya rin ang tungkol sa pagkawala ng mommy nya pati ang breakdown ng daddy nya and eventually, ang pagmumove-on nilang mag-ama from her death.
Tahimik lang ang lahat habang nagkukuwento sya. They also offered their condolences.
"Kaya pala pansin yung pag-iiba mo Ian," puna ni Louella. "Di ka na makulit na Ian. Nag-mature ka na."
"Oo nga," ayon ni Hugo. "Sumeryoso ka na ng kaunti."
"What he went through was not a walk in the park. Eh mas matindi pa pala pinagdaanan mo kaysa kay Maggie," sabi ni George.
Hinampas sya ni Lou, "Ano ba," suway nya sa fiancé.
"Huh? Bakit?" tanong ni Ian.
"Tito and Tita separated. Brent's with Tita who visits Tito and Isabel. Minsan si Isabel naman ang bisita nila Tita at Brent. Kaya malaking issue rin na wala si Maggie at hindi ganong bumibisita," balita ni George.
"Anong hindi ga'nong bumibisita? Hindi talaga bumibisita!" pagtatama ni Therese. "Isang beses pa lang nung Pasko, nung unang Pasko."
"Ah oo," sambit ni Ian.
"Alam mo?" tanong ni Hugo kay Ian.
"Yes, I went back here for her. Pero I think she was busy with her, I don't know, boyfriend I guess," sabi ni Ian.
"Whaaat?!?!" reaksyon ni Louella at Therese.
"I went back here, a couple of days lang. Dad actually was mad at me pero I wanted to see Maggie. At medyo mabuti yung kalagayan ni Mom non na pinayagan naman ako pero when I went to their house, I saw Maggie kissing someone sa tapat ng gate nila. Hindi ko na sila inistorbo kaya umalis na lang ako dun," kwento ni Ian na napanguso.
Tiningnan ni Ian ang lahat na nakanganga at gulat na gulat.
"OMG! Sayang!" panghihinayang ni Lou.
"Who is this boy?" tanong ni Therese. "May boyfriend na nga kaya sya? Kung meron na, bakit hindi pa rin sya maka-move on para kausapin nya na tayo diba?"
"Ang sabi ni Brent, wala pa," sabi ni George. "Wala rin namang nabanggit si Brent na naging boyfriend ng ate nya. Ian, sila kasi ni Brent ang parating nag-uusap pero tipid pa rin ang kwento ni Maggie sa kanya kahit constant yung communication nila."
"Ikaw ba Ian, may girlfriend ka na?" tanong ni Lou.
Umiling lang si Ian.
"Sino ba yung chick na kasama mo kanina? Yung pinag-paalaman mo pa nung nakita ka namin?" tanong ni George.
"Maggie rin name nya. Nakatabi ko sa plane. Medyo naging friend na rin," sabi ni Ian.
Tiningnan ni George si Hugo sa salamin.
"Mukhang may game ka na sa girls ah," pansin ni Hugo. "Di ka na ata torpe 'tol."
"Hindi, wala yun. Nagpaturo lang sya ng tagalog words," dismiss ni Ian sa napipintong asaran.
"Wow, tutor?" may inis na comment ni Lou.
"Meron namang google translate ah," panig ni Therese.
Sinuway ni George si Louella at ni Hugo si Therese. "Ano ka ba, hayaan mo si Ian."
Napansin ni Ian. "No, it's fine. She's just friendly I guess."
"Pinopormahan ka non!" sigaw ni Louella.
"Kurek!" ayon ni Therese.
"Lou!" "Sweetie!"
"Pasensya na 'tol. May pangarap kasi 'tong mga girls na ano eh, na imposibleng..." pahina ng pahina ang boses ni Hugo.
"Bro, they ideally would like you to, you know," simula rin ni George na hindi nya rin tinapos.
Hay naku! Ian, gusto sana nila na maging kayo ni Maggie! Pero of course, hindi nila ako narinig.
"I know. I'll make it happen. I hope I can," natawa si Ian. "It will be hard but I will try till I can no longer breathe."
"Huy! Walang usapang patay," sabi ni Therese.
"I will try to win her heart. Sana magawa 'ko. At sana okay lang kay Ficks, kung asan man sya ngayon," bulong ni Ian sa hangin na narinig din nila.
Aprub na aprub bestfriend! Push mo na! Go na!!!
Wait si Maggie! Matutuloy ba yun sa Cebu?
"Great turnout Maggie! Ang galing mo talaga at ng team!" puri ni Lina kay Maggie sa naging success ng event nila. Simula pa lang ng festivities pero naging smooth at maayos ang lahat.
"Thanks mam," sabi at ngiti ni Maggie.
"Sure ka na ba sa leave mo? At sure na ba ang pag-sama mo kay Eldrick?" tanong ni Lina.
"I haven't seen Cebu po eh. I would like to see it naman," sabi ni Maggie.
"Hindi ba magandang bumisita ka rin sa pamilya mo sa Manila? Eh ang tagal mo ng hindi umuuwi ah," pansin ni Lina.
Ngumiti lang si Maggie kay Lina. "Sige po I'll go ahead. See you po in a few days."
Tumango tango lang si Lina habang pinapanood ang paglayo ni Maggie. Umiling iling sya pagtapos.
"Maggie! Ready ka na ba?" sabi ni Eldrick pagkabukas na pagkabukas ni Maggie ng pinto nya.
"Eldrick, wait na lang sa lobby. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maggie.
"Baka kasi mahirapan ka with your luggage kaya umakyat na 'ko," ngiti ni Eldrick.
"Ilang araw lang naman, hindi naman ako ganon karami mag-pack," sabi ni Maggie habang pinagkakasya sa maleta na bigay ko ang mga gamit nya.
"Eight days-"
"Anong eight days? Five days lang!" putol ni Maggie sa kanya.
"Eight kaya, pumayag ka kagabi," sabi ni Eldrick.
"Hay naku five lang. Uuwi ako sa fifth day Eldrick." Isinara nya ang bag at binigay iyon kay Eldrick. "Ayan, pakibaba."
Excited na kinuha iyon ni Eldrick at umalis na ng kwarto. "Wait for you downstairs!"
Napabuntung-hininga si Maggie. "Sapat na siguro ang limang araw para hindi ako maisama sa entourage ni Ate Louella at ni Kuya George. Kulang na ang oras para sukatan nila ako ng damit pang-bridesmaid. Para wala ng pilitang mangyari pa tuloy talaga 'tong Cebu. Hindi ako uuwi ng Manila."
Hay Maggie...
Narating na nina Maggie at Eldrick ang Cebu. Sinundo sila ng mga tauhan ni Eldrick.
"Treat her like a Princess cause she is," sabi ni Eldrick sa staff nya.
"Parang si Ficks," bulong ni Maggie.
Hindi ah! Hindi ako ganyan!
"Sorry, I didn't catch that," sabi ni Eldrick na hindi narinig ang ibinulong nya.
"Wala. I said, thanks," palusot ni Maggie.
Binalikan ko si Ian at ang mga kaibigan namin.
"She stays at the hotel right?" tanong ni Ian kay Therese.
"Yes, pero Ian ayaw mo bang ipagpabukas ang flight mo to Boracay? Aba, kadarating mo lang tas mamaya ka na agad lilipad don?" sabi ni Therese.
"I really want to speak with Maggie eh. At gusto ko syang yayain dito sa Manila," sabi ni Ian.
"We'd understand 'tol if you don't come back with her. If ayaw nya, balik ka na, tayo na lang mag-bonding," sabi ni Hugo.
"I will come back with her. Have faith," sabi ni best friend Ian! Go Ian, Go!
"We also tried Ian pero we failed. Okay lang if wala si insan," sabi ni George. "Baka nagpapalamig pa rin."
"Pero maganda nga kung maisasama mo sya. Para kumpleto tayo," asa ni Louella.
Bumuntung-hininga ang lahat.
"Again, have faith. Alam kong tinutulungan din tayo ni Ficks sa bagay na 'to," hula ni Ian na tama! Galing mo 'tol ah!
Ngumiti lang sila.
Iniwan lang ni Ian ang mga gamit nya sa apartment ni Hugo. Hinatid sya ulit ni Hugo at Therese sa airport after nilang kumain.
Sa paghatid, si Hugo at si Therese na lang ang kasama. May wedding-related activity pa kasi sina George at Louella.
"Ano bang plano mo 'tol?" tanong ni Hugo.
"Well, I'll try to speak with her. Sana kung hindi nya pa rin matanggap ang nakaraan, mapag-usapan namin, mailabas nya sa'kin ang sama ng loob nya kung mayron pa. I'll just take it from there really. I actually don't have any expectations pero I'm just so excited to see her, alam nyo yun? I've been waiting for this for such a long time. Sana all goes well," sabi nya.
Sana...
"Nakakatakot ang optimism mo Ian," comment ni Therese.
"What have I got to lose? If I failed to bring her back to Manila, hindi naman naiba yun sa mga efforts nyo. Pero if I managed to make her come back home, e di fantastic right?" sabi nya.
"I'll pray to God that Ficks help you as well. Mukhang sa kanya lang nakikinig yun eh," sabi ni Therese. "Yun eh kung nakikinig pa nga talaga si Maggie. Mukhang kahit bangunin mo ang patay wala eh, she'd still be stubborn."
"I have faith," ngiti ni Ian at tumingin sa labas ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Business (Completed)
RomanceThis is not my story because mine ended abruptly. I died kasi. You know, that hassle. This is the story of two people who were very close to my heart but they cannot seem to move on from the pain and the guilt of my passing. Her the pain, him the g...